^

PSN Showbiz

Anak ni Melai, tuluy-tuloy na ang pag-aartista

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Melai, tuluy-tuloy na ang pag-aartista
Melai Cantiveros

Mukhang magtutuluy-tuloy na ang pag-aartista ng panganay na anak ni Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Mela. Madalas nang napapanood ang bata sa YouTube at sa telebisyon ngayon.

Masayang-masaya raw si Melai dahil sumisikat na rin ang kanilang anak ni Jason. “Sobra din akong na-overwhelm kasi tumaas din ‘yung followers niya sa YouTube. At ‘pag nakikita sila sa daan, may nagpapa-picture kay Ate Mela. Ngayon mayroon silang show, anak ng mga momshie hosts, Pop Babies. Ang ABS-CBN ang gumawa ng show na ‘yon sa YouTube, makikita rin sila sa Yey!” nakangiting pahayag ni Melai.

Ang Magandang Buhay host ang nagtuturo kay Mela kung ano ang mga dapat gawin sa tuwing humaharap sa kamera. Malaki ang pasasalamat ni Melai dahil lumala­king bibo ang mga anak na sina Mela at Stella. “Tinuturuan ko siya na i-enjoy lang ‘yung mga ganyan, mag-smile siya. Kasi sila (tagahanga) ang dahilan kung bakit ka kuwan, kasi very happy kami na bata pa lang siya nae-expose na siya sa ganito. ‘Yung iba nga nago-audition pa. So thank you Lord,” pagbabahagi ng aktres.

Xia, ido-donate ang ibang bonus sa Miracle...

Pumatok sa takilya ang pelikulang Miracle In Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2019.

Kasama rin sa naturang proyekto ang batang si Xia Vigor na mas sumikat pa ngayon dahil sa pelikula. “Hindi naman po, pareho pa rin naman po pero ‘yon po, lagi na rin akong tinatawag na Yesha (karakter sa pelikula). Sobra rin po akong masaya sa nagbigay ng opportunity sa akin na maging part ng cast ng Miracle in Cell No. 7. Gusto ko lang po na gawin po ‘yung gusto ko po at para masaya po ang sarili ko sa ginagawa ko. Pero hindi naman po ‘yung target ko talaga na sumikat po,” bungad ni Xia.

Nakatanggap ng bonus ang batang aktres mula sa pamunuan ng Viva Films dahil naging top-grosser ang Miracle In Cell No. 7 sa MMFF 2019. Malaki ang pasasalamat ni Xia dahil ayon sa bata ay nadagdagan na ang kanyang perang ipon at posibleng makatulong din sa mga nangangailangan. “Iniipon pa rin po namin. Siguro po ‘yung iba pwede naming i-donate sa charity. Kasi mahilig din po talaga akong mag-charity dahil marami pong mga iba’t ibang mga sitwasyon na ‘yung mga tao nahihirapan sila sa buhay nila. Kaya gusto ko rin po silang matulungan. Kaya siguro po ‘yung iba do’n sa bonus ko ido-donate po namin,” makahulugang pahayag ng child star.  (Reports from JC-)

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with