^

PSN Showbiz

Guwapong aktor masahol pa sa PA ang naging trato sa ex na spoiler

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kawalan ng pakialam ng isang guwapong male personality sa kanyang karelasyong babaeng personalidad ang palaging napapansin ng mas nakararami.

Lumalabas tuloy na sa kabuuan ng kanilang relasyon na bumibilang na nang maraming taon ay ang babae lang ang nagpapahaba sa kanilang pagsasama.

Parang ang female personality lang ang sobrang nagmamahal sa kanyang boyfriend, pero ang lalaki ay walang pakialam, mas mahalaga pa para dito ang kanyang mga kabarkada.

Kuwento ng aming source, “Mabuti na rin ang ganyan na nagkahiwalay sila, mabibigyan na ng time ng girl ang sarili niya. Spoiler kasi ang girl, naturingan siyang girlfriend, pero mas masahol pa sa PA lang ang naging role niya sa pakiki­pagrelasyon sa lalaking ‘yun!

“Maraming nakakapansin na walang pakialam ang guy sa emotion ng girl, gagawin niya ang gusto niya kahit kontra ang babae!

“Matigas ang ulo ng lalaking ‘yun! May sarili siyang mundo! Mabuti na lang at matiisin ang babae, napahaba pa niya nang ganu’n ang relasyon nila!” unang kuwento ng aming impormante.

May mga pagkakataon pala na kinaaawaan ng kanilang mga kaibigan ang female personality. Makikipagnomo-nomo ang male personality sa kanyang mga katropa, waiting galore naman sa love nest nila ang girl, walang pakialam ang male personality na may naghihintay sa kanya.

“Madalas mangyari ang ganu’n! Gising-tulog na ang babae, pero wala pa rin sa bahay nila ang guy! Hindi man lang niya naiisip na may taong nagmamalasakit sa paghihintay sa kanya!

“Marami nang nagpapayo sa kanya na tigilan na ang sobrang pagmamahal sa boyfriend niya, pero hindi kayang gawin ‘yun ng babae! Nagtataka nga ang mga friends nila kung ano ang ipinakain sa kanya ng lalaking ‘yun para magkaganu’n siya!

“Lahat na lang ng gusto ng lalaki, e, pinagbibigyan ng girl. Kahit nga ayaw na niyang sumama sa trip ng boyfriend niya, e, sige pa rin siya, para palagi lang silang magkasama!

“Ganu’n katinding magmahal ang babaeng ‘yun! Sana, makakita siya ng bagong karelasyon na magbibigay ng importance sa mga ginagawa niya. ‘Yung mamahalin din siya ng tulad ng ibi­nibigay niyang love!

“Hay, naku! Magbago na sana siya ng paboritong color! Huwag nang puro red lang! Iba naman!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden bumawi sa mga taga-Taal

Napakaabala sa araw-araw ni Alden Richards. Sa dami ng kanyang trabaho ay parang by appointment na lang ang kanyang tulog at pahinga.

Pero para sa mahahalagang bagay ay palagi siyang may nakalaan na panahon. Ang pagdadala ng kanyang pamilya sa ibang bansa para lang sila magkaroon ng bonding.

Bago niya maisakatuparan ‘yun ay patung-patong na taping muna ang kanyang pagdadaanan, kaila­ngan niyang gawin ang lahat-lahat bago dumating ang panahon ng kanilang bakasyon, kaya habang nasa biyahe ay tulog na tulog ang Pambansang Bae.

Kuwento ng isang kaibigan naming nakasabay sa flight ng pamilya ni Alden papuntang Japan, “Nu’ng check-in time pa lang, e, pinagbigyan na niya ang lahat ng mga gustong makipag-selfie.

“Wala siyang reklamo, pinagbigyan niya ang lahat. Kasi nga, kapag nag-take-off na ang plane, e, itutulog na niya ang buong biyahe!

“Bumabawi talaga siya. Halos hindi na nga siya kumakain sa plane, nakakaawa rin ang mga artistang sikat, wala silang enough rest,” kuwento ng aming kaibigan.

Kailan lang ay pinaglaanan ng oras ni Alden ang mga biktima ng bulkang Taal sa Mataas Na Kahoy at Alitagtag, Batangas.

Talagang siya ang namahala sa pamimigay ng mga donasyon, nanawagan din siya sa mga kababayan natin na ipagpatuloy ang kanilang pagtulong, dahil wala pang nakakaalam kung hanggang kailan pa mapapayapa ang bulkan.

Sabi nga ng mga kaibigan naming tumututok sa The Gift ay isinasabuhay lang daw ni Alden ang kagandahan ng kanyang puso sa matagumpay na serye.

Tatlong linggo na lang ‘yun na mapapanood, dalawa na lang kung tutuusin dahil tapos na ang unang huling linggo, inaasahan na ng mga kababayan natin ang pagbibigay ng hustisya sa pamilya ni Sep.

Magsasama-sama na raw sa impiyerno ang mga karakter na ginagampanan nina Martin del Rosario, Rochelle Pangilinan at ng OA kung umarteng si Christian Vasquez.

Ha! Ha! Ha! Ha! Dapat lang!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with