^

PSN Showbiz

Pareho na uling single, Shaina at John Lloyd may balikan?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pareho na uling single, Shaina at John Lloyd may balikan?!
John Lloyd at Shaina

Si Shaina Magdayao pala ang kasama o kapareha ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Servando Magdamag at dahil ex-couple ang dalawa at may isyu ngayon na wala na sina John Lloyd at Ellen Adarna, tiyak na gagawan ng istorya ang pagsasama sa pelikula nina John Lloyd at Shaina.

Anyway, si Lav Diaz ang director ng balik-pelikula ni John Lloyd at tama ba kaming second time na ni Shaina na maidirehe ni Lav? Sa photos na nakikita online, parang ang aktor pa lang ang nagsu-shooting, wala pa si Shaina.

Interesting ang role ni John Lloyd sa movie na isang “healer” at si Shaina, gaganap na isa sa kanyang gagamutin dahil hirap maglakad. Kasama ang nabanggit na pelikula sa omnibus plugging ng ABS-CBN at Star Cinema sa mga bagong shows at movies nila for 2020.

Andre gustong gawing pribado ang ‘problema’ pa kay Jackie Forster

Happy at excited si Andre Paras makasama sa cast ng Descendants of the Sun ng GMA-7 na malapit na ang pilot airing. Role ni Dr. Ralph Vergara ang ginagampanan ni Andre. Sumailalim sila ng medical training ng mga kasama niya sa grupo ng medics para may background sila sa kanilang role.

May doctor din sa taping na magga-guide at consultant ng cast para walang viewers na mag­rereklamo na mali ang ginawa nila sa pasyente o maling medical term ang kanilang ginamit

Gaya sa ibang cast, pinanood ni Andre ang original Korean drama na Descen­dants of the Sun at sa payo na rin ni director Dominic Zapata, hindi para gayahin nila ang Korean actor na kanilang ginagampanan.

Gusto lang ni direk Dom na makilala nila Andre ang karakter na ibinigay sa kanila.

Alam ni Andre na hindi kumpleto ang interview sa kanya kung hindi siya matatanong about her mom and his brother Kobe Paras. Palaisipan sa tao kung bakit hindi siya nakakasama sa mga lakad ng pamilya ni Jackie Forster at kung bakit, si Kobe lang ang nakakasama.

Palaisipan din kung bakit hindi mabanggit ni Jackie ang full name niya at “A” lang ang tawag sa kanya. Hindi na nagdetalye ng sagot si Andre ang sabi lang “we are okay. May private life kami and whatever is private, we keep it private para less hassle.”

Hindi rin daw siya nagsi-share online ng private things dahil majority nagsi-share na ng kanilang buhay kahit hindi dapat.

vuukle comment

JOHN LLOYD

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with