^

PSN Showbiz

Aktres na ibang level ang mood swings, sinukuan ng magiging mister sana

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktres na ibang level ang mood swings, sinukuan ng magiging mister sana
KC

Maraming personalidad na bumibilang na nang maraming taon ang relasyon pero sa bandang huli ay nagkakahiwalay rin. Meron pa ngang dekada na ang binibilang ng kanilang pagmamahalan pero sa paghihiwalay rin nauuwi ‘yun.

May isang showbiz couple na kasal na lang ang kulang sa kanilang pagsasama, napuyat na sa kahihintay sa kanilang pagpapakasal ang publiko, pero sa hiwalayan din ‘yun natapos.

Isang source ang nagkuwento kung bakit, “Hindi enough ang love lang. Maraming kailangan para magtagal ang relasyon. ‘Yung love, kailangang coupled with respect ‘yun.

“Sabi nga, kahit mabawasan na ang love, as long as may respect, buo pa rin ang relasyon. Napakahalaga rin ng compatibility. Kapag hindi kayo nagkakasundo sa maraming bagay, talagang magiging magulo ang relasyon.

“Ganu’n ang nangyari sa sinasabi nating showbiz couple na kasal na lang ang kulang. Marami silang pinagdidiskusyunan. Mas madalas silang hindi connected sa isa’t isa.

“Parang may sari­ling mundo kasi ang girl, mahirap kapain ang ugali niya, kahit nga ang partner niya na mismo, e, nahihirapang manimbang sa kanya.

“Nu’ng una, e, okey lang ang takbo ng relasyon nila, pero nu’ng magtagal na, du’n na sila nagkalabasan ng tunay na attitude. Hindi kinakaya ng guy ang mood swings ng girl, ‘yun ang isa sa mara­ming dahilan kung bakit sila naghiwalay,” madiing unang kuwento ng aming impormante.

Sayang na sayang na relasyon. Maraming nalungkot sa kanilang paghihiwalay. Tanggap na tanggap na ng pamilya ng male personality ang aktres.

Balik-kuwento ng aming source, “Wala nang problema dahil parang member na rin ng family ng male personality ang girlfriend niya. Wala nang wall, talagang mahal na mahal na siya ng pamilya nu’ng lalaki.

“Pero maniniwala ba kayo na minsan, e, bigla na lang nawawala ang girl? No communication sila ng guy, nagpapatay siya ng lahat ng line ng communication nila!

“May ganu’ng factor, kaya natural, hinahanap naman siya ng boyfriend niya! Tapos, biglang one day, e, siya na ang tatawag. Nakakaloka ang ganu’ng klase ng relasyon, di ba? Parang wala lang. Parang walang nangyari,” kuwento pa rin ng aming source.

May araw ng paggising sa katotohanan. Isang umaga ay naisip na lang ng male personality na walang mangyayari sa maraming taon na nilang relasyon ng magandang aktres.

“May sariling buhay rin naman siya, may mga pangarap din siya, priority niya siyempre ang magkaroon ng sariling pamilya, kaya ayun, nu’ng may makilala na siyang puwede niyang maka-partner sa pagbuo ng pamilyang wini-wish niya, e, nagpakasal na sila!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

KC hindi naramdaman ang pagmamahal ni Sharon?!

Hindi puwedeng makasalba ang pangalan ni Gabby Concepcion sa emosyonal na problema ng kanyang mag-ina. Kung hindi nagkakasundo sina Sharon Cuneta at KC Cocepcion ay kanino pa ba iisipin ng kahit sino tatakbo ang dalaga?

Hindi pa naman ulila sa ama si KC, nand’yan pa si Gabby, kaya sa mga pagkakataong nakakaramdam siya ng panglalaglag ng sarili niyang ina ay sa kapitbahay ba siya tatakbo?

Kung naghahanap ng pagmamahal ang Megastar mula sa kanyang panganay ay kailangan ding ugatin kung bakit malayo ang loob sa kanya ni KC.

Ang mga bagay na iisa-isahin namin ay maaaring totoo at puwede rin namang hindi pero makatutulong ang opinyon ng mga kababayan natin sa pag-aanalisa kung nasaan ba talaga ang problema ng mag-ina?

Reaksiyon ni SOS, “Hindi lang naman po kasi ngayon lang niya inilaglag si KC on national television at social media. Ilang beses nang nangyari ang ganyan.

“Indirect, pero parang sinabi na rin niyang hindi mabuting anak at kapatid si KC. Napakasakit nu’n para sa anak niya. Mas dapat nga niyang unawain si KC dahil product siya ng broken family na hindi niya naman ginusto in the first place.

“Bakit po mas ginusto ni KC na mag-celebrate ng Pasko kina Senator Tito at Tita Helen? Siguro po, e, puro ang mga anak lang naman nila ni Sen. Kiko ang bukambibig niya?

“Marami siyang hinahanap kay KC, gusto niyang maging close sila, pero paano naman ‘yun mangyayari kung siya pa mismo ang nanglalaglag sa anak niya publicly?

“Siya rin po ang dahilan kung bakit lumalayo ang loob sa kanya ni KC. Basta po, our heart goes to KC talaga!” mahabang opinyon ni SOS.

Maraming salamat sa panahon.

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with