^

PSN Showbiz

1 for 3 nina Mark, Christian at Aicelle kumpletos rekados

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
1 for 3 nina Mark, Christian at Aicelle kumpletos rekados
Mark, Christian and Aicelle

Gusto ko Salve ang 1 for 3, ang concert nina Mark Bautista, Aicelle Santos at Christian Bautista sa The Theatre ng Solaire sa February 1, 2019.

Tatlo sila na iba-iba ang range ng boses at singing talent kaya talagang matatawag na complete ang concert nila.

Isa si Mark Bautista sa mga paborito ko na singer dahil malamig at buong-buo ang boses niya kapag kumakanta.

Very soothing at so romantic ng rendition niya ng When I Fall In Love. Nakakadagdag din sa appeal ni Mark bilang singer ang pagiging mabait at professional niya. Very respectful at likas na sweet siya.

Mark is one singer na par excellence tulad nina Martin Nievera at Marco Sison. Hindi nagbabago ang timbre ng kanilang mga boses at iba ang atake nila sa mga kanta.

Rest is the best medicine...

Survivor ako ng four-day lazy peg. Puwede pala ‘yon, hindi ka a-attend ng mga presscon, isisiksik mo sa isang araw ang lahat ng mga meeting or better sa telepono na lamang tapusin ang anumang pag-uusapan.‘Yung mga text message, sa text din sasagutin at limitado ang phone calls.

Parang spring cleaning ng utak at oras dahil hindi ka stressed out, walang oras na hinahabol, natutulog lang, nagbabasa ng mga diyaryo at watch ng TV o iPad mo, parang easy-easy ka lang.

Ang sarap sa katawan, at magaan ang feeling. Hindi boring dahil may mga ginagawa naman, hindi nga lang tulad ng kapag nasa labas ka, maraming kinakausap.

‘Yun pala ang magic ng resting, you feel completely rested at parang walang clutter sa utak mo. Wish ko lang talaga, lahat puwedeng ganito.

Walang ginagawa at master tayo ng oras natin pero siyempre sa reality, hindi rin puwedeng mangyari dahil may mga pagkakataon na dapat na kailangan ang ating physical presence sa mga meeting.

Ngayon ko napatunayan na puwede pala na sa halip na nasa labas ka for a week, i-compressed mo ang lahat ng mga gagawin sa dalawang araw.

Hindi kailangan na lumabas for the rest of the week at magpahinga lang. At least, hindi ka makakadagdag sa traffic situation sa kalye.

At naisip ko na the best medicine pala is rest. Kapag inaantok ka, matulog ka, huwag labanan ang antok dahil mawawala ang mga joint pain, pati ang parang pananakit ng balikat.

Tutal may cellphone kaya lahat ng mga puwede na gawin sa pamamagitan ng tawag sa telepono, achieved agad.

Kapag nasa kalye tayo, dagdag pa sa human traffic at kung hindi naman ganoon kaimportante ang lakad, why go out of the house di ba?

Ngayong na-discover ko na puwede pala na mag- feeling lazy dahil maaaring manatili na lang sa bahay na parang work from home, pipiliin ko na ang mga lakad ko.

Hindi na ako masyadong magge-gatecrash sa mga presscon at tatambay sa parlor ni Bambbi Fuentes.

At dahil ligtas na ako sa mga nagaganap sa paligid, baka sakaling bumaba na ang blood sugar level ko. Tamad-tamaran ang peg, bahala na si Gorgy sa mga dapat i-pick up di ba?

vuukle comment

AICELLE SANTOS

CHRISTIAN BAUTISTA

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with