^

PSN Showbiz

Joey may analysis sa nakaluhod na numero

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Joey may analysis sa nakaluhod na numero
Joey

Totoo nga ang sabi ni Joey de Leon, dalawa sa numero ang nakaluhod, ang number 2 at number 5.

At ngayong 2020, dalawa ang number 2 kaya parang may pahiwatig dahil umpisa pa lang ng taon, meron nang mga pangyayari na kailangan ng matinding pagdarasal kay God.

Ang bushfires sa Australia, ang hidwaan sa pagitan ng US at Iran na nagpakawala na kahapon ng missiles sa US base in Iraq, ang mga nagaganap sa OFW natin sa Middle East, ang mga rally sa Hong Kong at ang serious crimes na nagaganap sa paligid.

Sobra-sobra na rin ang calamities na dapat seryosohin at pag-isipan na mabuti, na tulong lang ni God ang puwede natin hingin.

Siya lang ang puwedeng tumulong at umayos nang lahat. Dalawang nakaluhod na numero na paalala sa atin na laging magdasal, maging positibo at maging kind.

Iwasan na ang mga walang katuturang bagay. Reflect. Pray. Amen.

Pero kung dalawa ang number 2 sa 2020, dalawa rin ang zero na pataas kapag isinulat kaya ito ang bumabalanse sa unang taon ng bagong dekada.

Sa mga numero, dalawa ang pataas, ang number 8 at 0. Para sa mga Chinese, lucky number ang 8 at ganito rin ang paniniwala sa zero.

Anuman ang mga paniniwala tungkol sa numerology, isa lang ang ating dapat paniwalaan, ang ating Panginoong Diyos na may lalang sa ating lahat at tanging nakakaalam sa lahat ng mga mangyayari. Thy will be done.

Ilang fans nina Alden at Maine nagma-mature na nga ba?

Maganda rin Salve para sa lahat na nakikita nila na parehong masaya sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Siguro nga, nagma-mature na rin ang ilang fans nila na tanggap na love­team sila pero iba ang private lives nina Alden at Maine.

Ang ganda ng Tala number dance video nina Arjo Atayde at Maine, maganda rin ang dance number nina Alden at Julie Anne San Jose sa ope­ning number ng All-Out Sundays noong January 5, 2020.

Unti-unti, makikita ko na ang dream ko na maging present day Christopher de Leon at Vilma Santos sina Alden at Maine na may kilig at chemistry sa screen pero may kanya-kanyang buhay sa likod ng kamera.

At pang-lifetime ang friendship nina Boyet at Vi kaya sana, ganoon din ang friendship nina Alden at Maine.

Nakikita naman nating lahat na happy talaga si Maine kay Arjo at bagay na bagay sila.

Everybody happy, lahat happy at 2020 na kaya dapat tanggap na ang lahat.

AiAi at Kisses sanib-pwersa sa Ninang!

Hindi ako naka-attend kahapon sa presscon ng D’ Ninang, ang pelikula nina AiAi Delas Alas at Kisses Delavin na ipalalabas sa mga sinehan sa January 22.

Sayang, pagkakataon na sanang magkita kami ni Kisses at ng kanyang mother para malaman ng fans niya na hindi kami magkaaway.

Isang misunderstanding lang ang naganap na binigyan ng malisya ng iba eh alaga ni Rams David si Kisses.

Love ko si Rams kaya imposible na magkaroon kami ng gap ni Kisses.

Nakakatuwa naman na may pelikula si Kisses at si AiAi pa ang kasama niya. Maging blockbuster sana ang  D’ Ninang na sabi nina Mother Lily at Roselle Monteverde, isang pelikula na magugustuhan ng lahat.

Watch natin sina AiAi at Kisses sa D’ Ninang dahil tiyak na bongga at entertaining ito.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

JOEY DE LEON

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with