^

PSN Showbiz

Summer filmfest hinihintay kung magkano ang kikitain

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Summer filmfest hinihintay kung magkano ang kikitain
Sen. Bong Go

Three days na lang tapos na ang 45th Metro Manila Film Festival.

And as of presstime, makupad pa rin ang usad ng kita ng mga pelikulang kasali.

Mangilan-ngilan na lang ang nanonood though malakas pa rin ang Miracle in Cell No. 7, pero ang the rest, waley na halos pila.

Ang mga screening nga raw sa gabi, halos mabibilang mo na ang nano­nood.

Kaya ang ibang nasa laylayan ng Magic 8,  nawalan ng pag-asang kumita pa kahit na nga maagang ginanap ang Gabi ng Parangal.

Kaya ang analysis ng isang ka-chika ko, malabo itong makabahol sa mga kita ng mga nakaraang MMFF.

Aabangan ngayon kung anong mangyayari sa Summer Film Festival 2020 na wala na raw urungan.

Nauna nang kinumpirma ni MMDA Chair Danilo Lim ang Summer Film Festival 2020 sa kanyang opening speech sa Gabi ng Parangal ng MMFF last December 27.

MMDA Chair Danilo

“Sigurado akong ito ay makakatulong upang lalo nating maipaunlad ang industriyang Pilipino,” sabi ni Chair Lim sa kanyang speech.

Binanggit niya rin sa mga interview na may chance na sa Summer Filmfest ang mga pelikulang hindi napili sa magtatapos na film fiesta.

Sa April gaganapin ang Summer Filmfest 2020 na si Sen. Bong Go ang nag-proposed.

Maganda lang sigurong ngayon pa lang ay gawan nila ng paraan para lahat ng pelikula ay panoorin.

Mag-offer kaya sila ng package for eight movies? Let say kung for eight movies ang ia-avail mo o bibilhin mo, may discount. Parang package tour ang peg.

Para lahat ng movie, mapanood at walang maiwan sa kangkungan.

At kung mas early silang nagpa-reserve mas malaki ang makukuha nilang discount.

‘Yun tipong ganun kaya ang gawin nila?

At least ‘yun may sure na kita na ang ibang pelikula na kung hindi manonood ang mga nakabili na, kasalanan na nila. Basta nakabili na sila. O ipapanood nila sa iba ‘yung nabili na nilang tickets.

Parang mas bongga ‘yun. Baka naman umepekto sa mga pelikulang pinupuri ng mga critic pero ayaw panoorin ng moviegoers at makabawi kahit papaano ang mga producer na always hoping na kikita ang mga sinusugalan nilang pelikulang tuwing filmfest.

Ayon sa unofficial report, below expectations ang kinita ng Sunod, Mindanao, Write About Love and Culion.

Tanging ang Miracle..., The Mall, Balbon and Mission Unstappable lang ang malaki ang kinita na hindi rin napantayan ang income ng mga nakaraang filmfest.

Pray natin na this year ay mas maraming manood ng mga pelikulang Tagalog.

Bukod sa Summer Film Festival, tuloy din ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa September. Separate pa ito sa iba’t iba pang movie film festival sa bansa. May nagpo-propose din na sana every month na lang ang filmfest - ibang-ibang genre na baka rin daw umepekto at lumakas ang pelikulang Tagalog.

Wala pang sinasabing possible entries sa Summer Filmfest 2020.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with