^

PSN Showbiz

Dating beauty queen na si Sandra Seifert nanay na nanay na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Dating beauty queen na si Sandra Seifert nanay na nanay na!
Sandra at Anak

Minsan nakakagulat ang mga nakikita mo sa social media. Sa totoo lang, nagulat kami sa isang post na nakita namin. Natatandaan namin, ang international model na si Sandra Seifert, na nanalo ring first runner up sa Miss Earth noong araw ay naging co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan. Kasabayan din niya noon ang kanyang kapatid na model din, si Michael Seifert.

Nang magkaroon ng mga pagbabago sa show, nawala na ang magkapatid. Si Michael, nagpatuloy sa pagiging isang modelo. Si Sandra wala nang balita. Pero magandang bata iyan at siguro nga kaunting aral lang ng Tagalog puwedeng artista.

Noon nagkaroon ng mga tsismis, pero ikinaila naman ng parties concerned. Aba noong isang araw nakita na lang namin ang picture ni Sandra na kasama ang kanyang anak na lalaki, na malaki na rin. Iniisip nga namin, hindi nabalitang nanganak si Sandra. Hindi rin naman nabalitang nag-asawa siya.

Pero ngayon confirmed, nanay na nga si Sandra. Pero sino kaya ang ama ng bata?

Minsang nang na-link si Sandra sa isang actor na humawak ng posisyon sa gobyerno.

Nadine ‘di natuloy ang paglipat sa Careless PH ni James

Aywan kung bakit ginagawa pang isang napakalaking issue ngayon ang diumano’y hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre na hindi naman daw totoo.

Nagkaligawan sila sa height ng kanilang career noong mga bata pa sila. Alam ninyo iyang mga magka-love team, mayroon iyang bond na kung sa simula man ay bale wala lang, kalaunan nagkakagustuhan na talaga. Kasi laging sila ang magkasama. Laging sila ang hinahanap ng fans. Dumarating iyong point na maski na sila nararamdaman nilang parang kulang kung wala ang kanilang ka-love team.

Ganyan ang naging sitwasyon nina James at Nadine noong simula. Umabot sa panahong nagkagustuhan na silang talaga at nag-live in pa at iyon si­guro ang mali. Kasi basta ang dalawang tao ay nag-live in, lalo na nga sa takbo ng buhay nila at sa edad nila, hindi mo masasabing hindi magkakasawaan.

May isa pang factor, bumaba ang popularidad ng kanilang love team at pareho ring tumagilid ang kanilang career. Iyan ang pinagsimulan malamang ng mga nakikita nilang hindi na tama sa isa’t isa.

Makikita mo ang pagsisikap ni Nadine na iligtas pa ang relasyon. Kasi sa ganoong relasyon, siya talaga ang dehado. Pati career niya ay isinugal na niya. Pumirma siya ng kontrata sa music company ni James, aywan kung natuloy ring pumirma siya pati ng management contract.

Kung ginawa niya iyon, pikit mata iyon dahil alam niyang bago pa lang ang kumpanya ni James sa management. Hindi mo naman masasabing malakas ang hatak dahil tagilid nga ang career nila pareho.

May mga nagsasabi namang magkasama pa rin sila sa ilang okasyon. At ang naunang lumabas na balitang hiwalay na sila ay fake news nga.

Kaya laging naka-mask dating sexy star, kinahihiya ang pagtitinda ng mga tuyo Nova

Lagi raw nakasuot ng face mask ang isang nagtitinda ng mga tuyo, tinapa, daing at bagoong alamang diyan sa Novaliches. Normal lang iyon, siguro ayaw niyang malanghap ang amoy ng mga paninda sa palengke. Pero hindi pala iyon ang dahilan. Kahit na may edad na, basta nakita ang kanyang mukha lalo na ng mga may edad na, nakikilala pa rin siya bilang dating sexy star.

Hindi na siya artista at wala namang masama sa paninda niya. Legal naman iyon. Pero siguro nga, nahihiya siyang ganoon ang nabagsakan niya gayung nagkaroon din naman siya ng pangalan.

vuukle comment

JAMES REIS

NADINE LUSTRE

SANDRA SEIFERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with