^

PSN Showbiz

Young actress consistent sa kasamaan ng ugali, malayung-malayo sa kapatid na kilala sa kabaitan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Young actress consistent sa kasamaan ng ugali, malayung-malayo sa kapatid na kilala sa kabaitan
Gretchen and Claudine

Kumpara sa kanyang kapatid na walang kaintri-intriga sa buhay ay maraming namamalditahan sa isang young actress. Magkaiba ang kanilang ugali kahit sabihin pang isang sinapupunan lang naman ang kanilang pinagmulan.

Napakalayo nila kung pagkukumparahin. Ang kanyang ate, mula nang mag-artista, ay walang nakakaaway. Hindi kasi ito palasawsaw sa mga isyu, hindi mayabang, lalong walang kakambal na kamalditahan.

Kuwento ng isang production assistant ng isang network kung saan nagserbisyo nu’n ang young actress, “Naku, walang-wala siya kumpara sa sister niya! I can take her sister anytime, pero ang isang ito, maldita!

“One time, tapos na ang taping nila, e, nakiusap ang isang staff kung puwedeng i-VO (voice over) niya muna ang isang napakaigsi lang naman spiel na kailangan para sa teaser ng serye na siya ang bida.

“Sumimangot agad siya, nagdabog! Ang sabi niya sa staff, ‘No, I will not do that! I’m not ____(isang kilalang female personality ng isang higanteng network)!’

“Ayaw niya! E, sino naman kaya ang mapapahiya kung ayaw niyang gawin ang VO? Siya ang bida sa palabas, ibang boses ang maririnig sa ere? Maldita siya!

“Napakalayo niya sa ugali ng sister niya na ang tagal-tagal na sa industry, pero mahal na mahal ng mga katrabaho niya!” inis na kuwento ng aming impormante.

May kuwento naman ang isang grupo na naging glam team ng young actress na ipinaglihi sa sama ng loob ang ugali. Ibang-iba naman ang kanilang istorya.

Reaksiyon ng source, “Friends kasi namin ang dalawa sa humawak na glam team sa kanya sa isang magazine cover pictorial. Make-up, hairstyle, pati ang isusuot niya, sa glam team ‘yun.

“Maldita talaga siya, kasi, ni hindi niya kinakausap ang mga gumagawa sa kanya. Para niyang pasan ang mundo sa pagsimangot niya!

“E, nakatrabaho na rin ng team ang sister niya na sobrang nice, bubbly, marunong makisama! So, inis sa kanya ang team, lalo na nu’ng mag-argue sila tungkol sa isusuot niyang dress sa pictorial.

“Ayaw raw niya ang style and color! E, ipinadala naman sa kanya ‘yun, ipina-approve sa kanya! Tapos, sasabihin niyang ayaw niyang isuot ‘yun?

“Mema lang ang hitad! Makakontra lang! Ganu’n siya palagi, kailangang may mali ang ibang tao at siya lang ang tama! Maldita talaga siya, mahirap siyang katrabaho!

“She will really pale in comparison sa sister niya pagdating sa ugali. Mabait ang kapatid niya, very positive ang aura, unlike her na parang lagi siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho sa pagsimangot niya!

“Kaya sa kuwento nu’ng isang source tungkol sa kamalditahan ng young actress na ‘yun, I second the motion, mal­dita talaga siya!” nakakalokang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Netizens hindi naniniwala sa purihan nina Gretchen at Claudine

“There’s no better sister than you!” Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa sa social media ang ipinost na mensaheng ‘yun ni Claudine Barretto para sa kanyang kapatid na si Gretchen.

“And I love you so, my baby,” sagot naman ng kanyang ate.

Naku, parang mga buwitre na naman sa gubat na nakakita ng dugo ang mga bashers ng magkapatid, kung anu-anong mga salitang nangangagat ang ibinato pabalik sa kanila.

Nagkakaisa ang kanilang mga bashers sa pagsasabi na may tupperware party raw pala ang mag-sister! Ang mga namumulot daw ng mga recycled plastic na magkapatid, umariba na naman sa kanilang kaplastikan, dahil gusto lang nilang paringgan-saktan ang kanilang kapatid na si Marjorie.

Walang gustong maniwala na malinis ang kanilang intensiyon sa papuri sa isa’t isa, iginigiit ng lahat na gusto lang talaga nilang iparamdam kay Marjorie na nagmamahalan sila, ganu’n daw.

Sabi pa ng isang basher, “Si Claudine, e, parang bubuyog! Kung nasaan ang nectar, siguradong nandu’n siya! Natural, kumikita siya kay Gretchen, bakit nga naman siya kakampi kay Marjorie?

“Hindi na sila nahiya! Mismong kapatid nila ang sinasaktan nila! Ibang womb ba ang pinanggalingan ng sister nila?” inis nitong pahayag.

Pero may punto ang post ng isang netizen, “Misery loves company. Pareho silang malungkot, pareho silang walang peace of mind, they deserve each other!”

Ahahay!

vuukle comment

CLAUDINE BARRETO

GRETCHEN BARRETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with