^

PSN Showbiz

Lito nalimutan ang pangalan ng leading lady!

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang plano ng GMA 7 na ipalit sa Beautiful Justice kapag nagwakas ito sa first quarter ng 2020. Ito ay 1984 movie ng Regal Films nina Snooky Serna, Maricel Soriano, Gloria Romero at Nida Blanco.

SCENE: Tumanggi ang Korean director na si Lee Hwan-kyung na sabihin ang pangalan ng cast member ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 na napipisil niya na bigyan ng break sa kanyang susunod na movie project. Bumilib si Lee Hwan-kyung sa artista na kanyang tinutukoy nang mapanood niya ang Filipino remake ng Miracle...

SEEN: Hindi matandaan ni Senator Lito Lapid ang pangalan ng leading lady at direktor ng Lumang Bakal, ang kanyang comeback movie na gusto niya na ipalabas sa mga sinehan sa 2020

SCENE: Ang Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La ang venue ng grand 41st birthday celebration ni Senator Manny Pacquiao noong Martes, 2019. Maligayang-maligaya si Pacquiao dahil present sa birthday celebration niya ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay.

SEEN: Ang 1st birthday celebration kahapon sa Seda Hotel ni Alfredo Cristiano, ang bunso at nag-iisang anak na lalake nina Quezon City District V House Representative Alfred at Yasmine Vargas. Sa December 22 ang actual 1st birthday ng youngest child nina Alfred at Yasmine.

SCENE: Masaya si Jackie Forster dahil magkakasama sila sa darating na Pasko ng kanyang mga anak. Ipagdiriwang sa Pilipinas ni Jackie at ng pamilya niya ang Pasko at Bagong Taon.

vuukle comment

ANAK NI BIDAY

ANAK NI WARAY

LEE HWAN-KYUNG

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with