^

PSN Showbiz

Korona ng Miss U worth P254 milyon

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Korona ng Miss U worth P254 milyon
Catriona

Speaking of Miss U, kung makaka-back to back nga ni Gazini Ganados si 2019 Miss Universe Catriona Gray, worth $5 million (P253.7 million) ang susuutin niyang korona.

Kahapon nga ay idinisplay na ang nasabing korona habang hawak ni Catriona sa press event sa isang hotel sa Atlanta.

Ang nasabing crown umano ay 18-karat gold at merong mahigit na 1,770 diamonds na sponsored and designed ng sikat na jeweler - Pascal Mouawad.

 Tinawag itong Miss Universe 2019 Power of Unity Crown. 

Mapapanood sa bansa ang Miss Universe 2019 ng live via satellite mula sa US sa ABS-CBN at iWant sa December 9 (Lunes), 8 AM.

Directed by Manny Palo, the Dreamscape Entertainment offering also stars Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra, and Rita Avila.

Kylie & Jake

No pressure kay Jake Cuenca na pakasalan ang girlfriend niyang beauty queen na si Kylie Versoza.

Nagsisimula pa lang daw ng career ang beauty queen na sa programang Los Bastardos nag-umpisa ang kanilang relasyon.  “Wala pa, pero ‘yung mga ganun’g plano, hindi na malayo tingnan ngayon. Pero syempre, si Kylie, kaka-start lang ng career niya, so gusto kong ma-enjoy niya ‘yun,” pahayag ni Jake sa media conference ng The Haunted, ang horror serye na papalit sa Parasite Island na mag-uumpisang mapanood sa December 8.

Dagdag pa niya: “Nakikita ko na very passionate siya about acting, about being an advocate for mental health, so gusto ko naman ma-enjoy niya ‘yun.

“So, no pressure. ‘Yun din naman ‘yung kung baga, sikreto kung ba’t masayang-masaya kami. Kasi, wala kaming pressure talaga.”

Denise, Jake & Shaina

Anyway, starring din sa The Haunted sina Shaina Magdayao and Denise Laurel.

Rip Tita Vero

Rest in Peace tita Veronica Samio.

Nung Huwebes nga ng hapon ay namaalam na ang dating editor at ko­lumnista ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa (PM) na si tita Vero.

Seventy one years old siya.

Sakit na Sepsis ang dahilan ng pagpanaw ni tita Vero.

Ayon sa anak niyang si Lisa na isang doktora, may namaga sa hip area ni mama niya. Kaya nang ipa-check binigyan ng antibiotic at naging ok naman daw.

Walang fever or something na karaniwang sign ng infection. Naging ok siya sa antibiotic na pres­cribed ng doctor at nakakahiga na uli ng flat.

Pero too late na nang ma-discover nila na hindi lang pala simpleng infection ‘yun.

Memories will remain in our hearts tita. Thank you.

Samantala, naiuwi na ni tito Boy Abunda sa Samar ang labi ng kanyang inang si Nanay Lesing last Wednesday night.

Nag-taping muna si tito Boy ng dalawang episode for The Bottomline bago sila bumiyahe.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

DENISE LAUREL

JAKE CUENCA

KYLIE VERSOZA

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with