^

PSN Showbiz

Justin Bieber nakasama sa promo ng pelikula ng kanyang father in law

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Justin Bieber nakasama sa promo ng pelikula ng kanyang father in law
Justin

Walang balita kung anong naging kapalaran ng pelikulang Kaibigan sa takilya na nag-umpisang ipalabas sa mga sinehan kahapon.

Bida sa Kaibigan sina Jesse Perkins and Christian Perkins with Cesar Montano, Tirso Cruz, Jean Garcia, Lani Mercado, Boots Anson-Roa, Alvin Anson, Emmanuelle Vera, Anjo Damiles, Victor Basa, Janina Vela, Danica Ontengco and Hollywood actor Stephen Baldwin. Yup ang lalaki ng mga artista nila. At in all fairness  ay Englisan sila nang Englisan sa movie. As in 95% ng dialogue sa movie, English.

Ok naman sana dahil pino-promote sa kuwento ang good moral values sa pelikula pero ‘yun nga lang baka hindi maka-relate ang Pinoy audience dahil sa naging approach nila sa movie.

At ang funny thing, imbes na i-promote nila ang story nito, ang pagiging “Father of Hailey Baldwin and father-in-law of Justin Bieber” ang ikinakabit sa movie.

Anyway, kahapon din nag-umpisang mapanood sa mga sinehan ang Love Is Love and Mañanita na wala pang report habang sinusulat namin ito kung mga magkano ang box office returns.

 

vuukle comment

JUSTINE BIEBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with