^

PSN Showbiz

Sylvia hindi pa nakikitang magkakaapo kina arjo at maine

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sylvia hindi pa nakikitang magkakaapo kina arjo at maine
Sylvia & Son

“Kahit anong bashing wala na. Masaya ang pamilya ko.

“Hindi ako sumasagot, sumagot lang ako noon dahil sa death treats,” sabi ni Sylvia Sanchez nang maka-chika namin sa birthday celebration ni Ms. Rei last Saturday.

“Maayos kami bilang pamilya so bakit ka makikipagsagutan sa walang mga mukha.

Ba’t ka makikipagtalo,” sabi pa ng nanay ni Arjo Atayde.

Pinaka-latest na pamba-bash sa kanila ay sa family dinner nila with Maine Mendoza.

Kumusta naman ang dinner? “Tawa kami nang tawa.

“Sa totoo lang si Maine ang may idea ng dinner na ‘yun. Matagal  na sana ang dinner na ‘yun. Pero pareho kaming busy, so ang tagal bago talaga natuloy.

Kumbaga matagal na naming gustong mag-dinner hindi lang naaayos ang schedule namin.”

So pinag-uusapan ba nila ang tungkol sa bashing?

“Hayaan na natin sila wala naman silang mga mukha. Saka sayang naman ang oras namin kung papatulan namin at pag-uusapan sila,” dagdag pa ni Ms. Ibyang.

“Kung iisipin ko ang ibang tao, kung magpapa-control ako, hindi sasaya ang buhay ko.”

Sila na kaya in the end? Nakikita niya bang magkakaapo sila ng mister niyang si Art Atayde kina Arjo and Maine?

 “Hindi ko pa naiisip ‘yun. Kasi may nine years old pa akong anak.

“Masaya ang anak ko sa kanya. Mahal niya si Maine. Inilaban niya at nakikita ko in love sila sa isa’t isa,” kuwento pa ng actress ng seryeng Pamilya Ko na may bagong bukas ang Beautederm store sa may Roces Ave., QC.

At kahit tinututukan na ang pagne-negosyo, wala sa plano niya ang mag-retire sa showbiz.

“Imposible ‘yun, hanggang pagtanda ko andiyan ako, hangga’t tinatanggap ako,” pahayag niya.

“Pero five years from now, hindi ko na kakayanin ang everyday na trabaho pero andito pa rin tayo sa showbiz.”

Mga Balita sa SEA Games nakakalungkot

Kakalungkot naman ang mga balita sa gaganaping SEA Games sa bansa.

Parang inuna nila ang entertainment aspect ng pelikula pero ang mga accommodation / food / transportation ay kinalimutan yata ng organizers.

Kahit pa siguro anong promote ng mga artista natin sa social media tungkol sa malaking event kung unorganized naman ang mga nangyayari sa mga athlete, wala rin.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with