^

PSN Showbiz

Fans magpe-petition na raw Miss Universe, SEA Games, mapapanood din sa iWant!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Fans magpe-petition na raw Miss Universe, SEA Games, mapapanood din sa iWant!
Gazini

Isang pasasalamat at bonggang anniversary treat ang handog ng iWant sa unang anibersaryo ng relaunch nito dahil libreng mapapanood ang Pinoy mo­vies sa streaming service simula ngayong buwan.

Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users mula Nob­yembre 18 hanggang Enero 5, 2020, na muling inilunsad bilang isang bagong streaming platform noong Nobyembre 2018.

Nauna nang napanood na walang bayad ang Kita Kita, Sid and Aya,  Never Not Love You, Dalawang Mrs. Reyes, My Ex and Whys, I Love You, Hater, Changing Partners, I’ve Fallen For You, Loving in Tandem at 100 Tula Para Kay Stella.

Hanggang December 1 naman ang mapapanood ang pelikulang Barcelona: A Love Untold, First Love, Sakaling Ma­ging Tayo, Sin Island, My Perfect You, Die Beautiful, Last Night, Saving Sally, Last Fool Show, at My Fairy Tale Love Story.

Bukod sa mga ito, patuloy rin ang paglalabas ng iWant ng mga original movie at series na patok sa mga Pinoy, gaya ng Manillennials. Magkakatambal din sina Joseph Marco at Yam Concepcion sa unang pagkakataon sa original series na Uncoupling.

Dapat ding abangan ang Pet Rangers, ang unang animated original series ng iWant para sa mga bata.

At ito pati ang pagpapakitang gilas ni Bb. Pilipinas Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 competition at ng national teams ng bansa sa SEA Games nasa iWant.

At hindi rin maiiwanan ang loyal sports fans dahil pagkatapos ng matagumpay na UAAP Season 82 Men’s Basketball, mapapanood din sa iWant ang piling events sa SEA Games nang live o sa pamamagitan ng replay, pati na ang “Dayories,” isang iWant original sports documentary tampok ang UAAP stars na sina Ange Kouame, Rhenz Abando at Ricci Rivero.

Sila rin ang may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy movies, shows, at live events, at naglalabas ng original movies at series kada buwan mula nang i-relaunch ito noong Nobyembre 2018 – patunay na unti-unti nitong binabago ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpoprodyus ng digital content.

So iWant na kaya ang next ABS-CBN?

Anong petsa na kasi ay wala pang balita sa franchise ng Kapamilya Network kaya naman naghahanda na diumano ang iba’t ibang fans club para mag-file ng petition sa Congress na ayusin ang franchise ng network ng mga favorite program nila na mag-e-expire sa March 2020.

Ilang tulog na lang nga naman ‘yun. Sa bilis ng araw ngayon baka hindi mo mamalalayan, Marso 2020.

Abangan natin kung totoo rin ang sinabi ni Sen. Allan Peter Cayetano na magiging fair sila sa pagpapasa ng nasabing franchise matapos siyang umaming meron din siyang ‘personal complaint’ sa network.

vuukle comment

GAZINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with