^

PSN Showbiz

Aktor inatake ng gout, pipilay-pilay nang mag-mall show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mabuti at hindi nakita ng kanyang bashers na iika-ika ang isang aktor sa mall show kung saan nag-promote siya ng kanyang pelikula. Kung nakita siya ng bashers na hirap na hirap lumakad at kailangan pang alalayan, para makalakad at makaakyat sa stage, siguradong kinunan siya ng picture, pinost at kung anu-anong caption ang isusulat. Magko-comment naman ang kapwa bashers at lalo pang iinisin ang aktor.

Sabi ng aktor, inatake siya ng sakit niyang gout dahil kumain siya ng lamang-loob ng baboy. Umiinom na raw siya ng gamot na ilang araw din bago umepekto at ibig sabihin, ilang araw ding hirap siyang maglakad.

Pasaway din ang aktor, alam na may gout siya at bawal kumain ng mga ipinagbabawal na pagkain, pero kumain pa rin. Suffer the consequences.

Hindi lang namin maisip na at his age, may gout na ang aktor na resulta ng bad food na kanyang kinakain. Hindi ‘yun ang first time na inatake siya ng gout, sana magtanda na siya.

Anyway, dating fans ng aktor at kanyang ka-love team ang bashers niya ngayon. Sobra ang galit ng mga ito sa aktor sa paniwala nitong ginamit ang former love team for his career.

Jake inalagaan ang bagong anak ni Andi

Ang ganda ng nakita naming photos na magkasama sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa birthday celebration ng anak nilang si Ellie. Nag-celebrate ng 8th birthday niya sa school si Ellie at present ang parents niya.

May picture na magkasama silang tatlo, pero ang pinakapanalong litrato para sa amin ay ‘yung kasama nila si Lilo, ang anak ni Andi sa partner niya ngayon. Karga ni Jake si Ellie at karga namn ni Andi si Lilo.

Ang pinaka-best photo that day ay ang solo picture ni Lilo sa IG Story ni Jake at hindi na kailangan ang caption. Masaya ang netizens sa pangyayaring ito at ang pinakamasaya sa lahat ay si Ellie.

DOTS stars makikitakbo sa Heroes Run

Makikitakbo ang ilang cast ng Descendants of the Sun sa gaganaping 8th Heroes Run 2020 na tinawag na Takbo Para Sa Kapayapaan gaganapin this Sunday sa Philippine Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City.

Nabasa namin ang mga pangalan nina Dingdong Dantes, Chariz Solomon, Lucho Ayala, Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, Reese Tuazon at Rocco Nacino sa mga tatakbo.

In-announce rin ng Hero Foundation, Inc., ang organizer ng 8th Heroes Run 2019 na tatakbo rin si Matteo Guidicelli.  Ang beneficiary ng charity run ay ang scholars ng Hero Foundation at AFPEBSO.

Sana, mas marami pang celebrities ang sumali para maengganyo ang non-celebrities na sumali. Ang maganda pa, magsasama ang Kapuso star at ang Kapamilya star na si Matteo.

vuukle comment

MALL SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with