^

PSN Showbiz

Aktres laging palaban sa giyera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Halatang-halata ang pag-iwas ng isang kilalang male personality na madikit pa uli ang kanyang pangalan sa isang kilala ring female personality na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya nu’n.

Marespeto ang aktor, hindi niya masyadong ipinahahalata ang kanyang pag-iwas, nagagawa niya ‘yun sa makataong paraan.

Kuwento ng isang source, “Edukado naman kasi ‘yun male persona­lity, mula nu’ng bagets na bagets pa siya hanggang ngayon, e, napansin na ng lahat na marespeto siya.

“Man of few words siya, hindi basta banat lang nang banat, alam niyang kontrolin ang emotion niya. Kung hindi naman talaga kailangan, e, iwas na iwas na siyang ma-link pa uli ang name niya sa girl!

“Mas maganda na nga naman ‘yun, dahil kapag nagsalita pa siya, e, siguradong malaking issue na naman ang ipanganganak, hindi papayag ang girl na hindi siya sumagot!

“So, ang pinaka-safe nga namang puwedeng gawin nu’ng lalaki, e, huwag na lang siyang magsalita tungkol sa girl!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Palagi kasing nasa war path ang female persona­lity, sinasalo nito ngayon ang lahat ng kanegahan, kung anu-anong patutsada ang ginagawa nito sa mga taong sa kanyang palagay ay kumokontra sa kanya.

Isang source naman ang nagkomento, ang sabi nito, “Naku, pati nga ang mismong network niya ngayon, e, pinatututsadahan niya! Nakakaloka siya, di ba naman?

“Hindi lang siya napasama sa isang malaking show abroad ng istasyon nila, e, kung anu-ano na agad ang ipinagmaangas niya! Kesyo sisikat din kuno siya, kesyo kapag nakilala na siya, e, mapapasama na rin siya sa listahan ng mga performers!

“Wala talaga siyang pinaliligtas! Imagine, network na niyang pingtatrabahuhan ‘yun, ha, pero nagagawa pa rin niyang magpatutsada ng ganu’n!

“Kaya tama lang ang ginagawang pag-iwas ng male personality, huwag na lang talaga siyang mag-comment kapag ang girl na ang itinatanong sa kanya, super-safe na siya du’n.

“Kung ‘yun ngang hindi siya nagsasalita, e, may nasasabi pa rin ang super-paranoid na girl, ‘yun pa kayang magko-comment siya? Huwag na lang para matahimik ang buhay niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Morissette apektado sa pag-walk out sa concert

Totoong-totoo ang rebelasyon ni Manay Lolit Solis sa kanyang IG account na hindi nito kilala si Morissette Amon.

Nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya sa pagitan ni Morissette at ng kanyang ama ay pinag-usapan namin ‘yun nina Manay Lolit at Mr. Fu sa Take It... Per Minute, Me Ganu’n.

Kami lang ni Mr. Fu ang nagkokomento, ang tanging nasabi ni Manay Lolit, “Sino ‘yun?” Hindi talaga kilala ng aming kasama sa show si Morissette.

Pero ngayong negang-nega ang pangalan ng female singer dahil sa pagwo-walkout sa show na ipindrodyus ni kasamang Jobert Sucaldito ay kilala na ni Manay Lolit si Morissette!

Nagmarka na ngayon kay Manay Lolit ang pangalan ng singer, pero negang-nega nga lang, dahil hindi tama ang ginawang pagwo-walkout ng dalaga sa concert.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang hakbang si Morissette para humingi ng paumanhin kay Jobert, parang wala lang para sa kanya ang nangyari, nakakanta nga siya nang maayos sa ASAP Natin ‘To nu’ng nakaraang Linggo nang tanghali.

At hindi lang ‘yun. Pagkatapos na pagkatapos ng pagwo-walkout niya sa concert ni Kiel Alo ay lumabas ang mga retrato nila ng kanyang boyfriend na si Dave Lamar at ng kanilang mga kaibigan na nagsasaya.

Kauuntog lang niya nu’n ng kanyang ulo sa dingding dahil “devastated” daw siya sa interview ni Mario Dumaual, ha? Mugtung-mugto kuno ang kanyang mga mata pagkatapos ng panayam, kaya hindi raw siya makakakanta sa concert, pero ilang oras lang pagkatapos ay parang wala namang nangya­ring walkout sa mga retrato nila ni Dave na lumabas sa social media.

Totoo pala na kapag nanenegahan ang nano­nood sa isang personalidad ay naglilipat na lang ito ng channel. Ganu’n ang naging reaksiyon ng mga nakikisimpatya kay Jobert Sucaldito habang kumakanta si Morissette sa ASAP Natin ‘To.

Makakaapekto ang kawalan ng propes­yonalismo ni Morissette Amon sa kanyang singing career. Hindi bigla, dahan-dahan lang, pero mapapansin niya ‘yun.

vuukle comment

MORISSETTE AMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with