^

PSN Showbiz

Amy matamlay pa!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Amy matamlay pa!
Amy

Seen : Ang team ni Vice Ganda ang grand champion sa Magpasikat, ang week-long anniversary talent competition ng mga host ng It’s Showtime. Isang milyong piso at travel package sa Palawan ang mga premyo na natanggap ni Vice at ng kanyang mga kasama. Ibibigay ni Vice ang cash prize sa samahan ng mga kababayan natin na may Alopecia. Para kay Vice, masuwerte sa kanya ang ika-sampung taon ng programa dahil dito niya nakilala ang lalake na magmamahal sa kanya, si Ion Perez.

Scene : Second runner up sa Magpasikat ang team nina Vhong Navarro at Mariel Rodriguez. Third placer ang team nina Anne Curtis at Amy Perez.

Seen : Dalawang araw na hindi nakapag-report si Amy Perez sa It’s Showtime dahil naging biktima sila ni Vice Ganda ng food poisoning. Pumayat at medyo matamlay pa si Amy sa Saturday edition ng programa.

Scene : Hindi lamang ang mga host ng It’s Showtime ang nagpasikat sa Magpasikat. “ Nag-perform” din ang ilang mga miyembro ng hurado habang sinasabi nila ang kanilang mga komento. 

Seen: “ Samantalo” ang masakit na biro kay Samantha Ashley Lo, ang Philippine bet sa Miss Grand International 2019 na hindi man lamang pumasok sa Top 20 candidates. Thank you girl si Samantha sa beauty pageant na ginanap sa Caracas, Vene­zuela noong Biyernes, October 25 (Saturday morning, October 26, Philippine time ).

Scene : Ang pagkakaroon ng fake passport at ang trying hard performance ni Samantha Lo sa preliminary competition ng Miss Grand International 2019 ang ilan sa mga sinasabing dahilan ng pagkatalo niya sa nilahukan na international beauty pageant.

vuukle comment

AMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with