^

PSN Showbiz

Pokwang may sariling restaurant na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang may sariling restaurant na
Pokwang

Swak na swak kay Pokwang ang bago niyang endorsement. Kilalang mahilig magluto si Pokie. In fact, nagkaroon pa siya ng cooking book entitled Patikim Pokie. Meron din siyang pa-PokLee Cooking sa digital platform.

Bukod pa sa nagbukas siya ng sariling restaurant sa Antipolo. Yup, may restaurant na sila.

Actually, matagal na niyang pangarap na magka-restaurant lalo na nang maka-graduate ang anak na si Mae ng Culinary Arts sa Enderun College at nag-practicum pa sa sikat na restaurant sa Paris.

Aside from dream come true ito sa kanila, dedicated din niya ito sa mga OFW nating kababayan. Common knowledge na bago siya nag-showbiz, nag-trabaho sa  abroad si Pokwang.

“Gusto ko na ‘yung pag-uwi nila sa Pilipinas isa ‘yon sa ilu-look forward nila na pumunta sa place namin,” pahayag ng Pambansang Mamang na first ever celebrity endorser ng Regasco LPG na nagkaroon ng launching last Tuesday.

Kuwento pa ni Pokie may second edition na rin ang cook book niya ang this time kasama na si Lee.“Magaling din siyang magluto. Actually, ‘yung book naming dalawa ay kombinas­yon ng Filipino and American dish.

“Halimbawa, ‘di ba meron silang turkey, tayo mayroon tayong lechong manok, so, para kaming nagko-contest.,” dagdag niyang chika sa press launching niya as Regasco endorser na isang 100% Filipino-owned company operating all over Luzon.

At kung magkakampi sila sa pagluluto, magkalaban naman sila sa darating na Metro Manila Film Festival 2019. Yes, si Pokwang ay kasama sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity, ang official entry nina Bossing Vic Sotto habang si Lee ay co starring sa pelikulang Culion starring Iza Calzado.

 

 

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with