^

PSN Showbiz

Sikat na hunk actor takot maungkat ang kabadingan, high school reunion inisnab!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa taunang pagkikita-kita ng mga kaklase sa high school ng isang pamosong male personality ay hindi na siya kasali sa bilang. Hindi na siya iniimbita sa reunion ng kanilang batch.

Napagod na kasi ang mga namamahala sa reunion nila, taon-taon siyang iniimbitahan, pero taon-taon din naman siyang hindi dumarating.

Kuwento ng aming source, “Ano ba namang sabihin niya na lang na hindi siya makararating dahil sobrang busy niya? Maiintindihan naman ‘yun ng mga kaklase niya dahil napapanood naman siya sa TV na talagang matindi ang schedule niya?” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero ang masakit ay hindi man lang niya sinasagot ang mga text at tawag ng kanyang mga dating kaeskuwela. Pudpod na kuno ang kanilang mga daliri pero ni minsan ay hindi man lang sumagot sa kanila ang kilalang male personality.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng minsan, e, nakita ng ka-batch niya ang sister niya. Ipinaalala nu’ng classmate niya sa kapatid niya ang binubuong reunion ng batch nila.

“Buking ang male personality dahil ang sabi ng sister niya, ‘Hindi ba siya nagpunta? Alam niya ‘yun! Sabi niya, e, gagawa raw siya ng paraan para maka-attend!’

“So, natatanggap niya ang mga text, hindi lang niya sinasagot ang mga calls ng dating  mga kaklase niya, pero aware siya sa gaganaping reunion!

“Magsisinungaling ba naman kasi ang sister niya! Ano naman ang mapapala ng kapatid niya sa pag-iimbento?” dagdag na komento ng aming source.

May duda ang mga dating kaeskuwela ng sikat nang hunk actor. Baka raw kasi nag-aalala ang male personality na biruin siya ng mga dating kaibigan at kasamahan niya sa high school.

Arya ng aming source, “Naku, baka nga ‘yun ang ikinawo-worry niya! Baka kasi maungkat ang mga kuwento ng nakaraan niya! Ang dami-dami kasing alam ng mga kaklase niya!

“Kuwento nga ng isang dating classmate niya, e, napakarami na raw naganap mula nu’ng magkahiwa-hiwalay sila. Hindi na uli sila nagkita ng male personality.

“Nag-abroad kasi siya, tapos, nu’ng bumalik na, e, nag-artista na siya! At sinuwerte ngang sumikat! Mataba na raw kasi ngayon ang ka-batch nila na crush na crush nu’n ng male personality!

“Pero ang nakakaloka, lalaki ang crush niya! Tumpak! ‘Yun nga siguro ang ikinatatakot niya kaya hindi siya nagpupunta sa reunion nila!

“Nakakaloka! Ang mga taong ‘yun kasi ang nakakaalam ng totoo niyang gender! Bagets pa lang pala siya, e, lalaki na ang crush niya!” tawa nang tawang kuwento ng pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kris at magkapatid na Falcis selyado na ang mga bibig

May tuldok na ang matinding kontrobersiyang humantong pa sa demandahan sa pagitan ni Kris Aquino at sa magkapatid na Nicko at Attorney Jess Falcis.

Pagkatapos nang mahabang panahon ng pagpapalitan nila ng depensa ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang Divina Law Office na kumakatawan kay Kris Aquino na tapos na ang giyera nila ng makapatid na Falcis.

Ito ang kabuuan ng pahayag ng mga abogado ni Kris, “Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Mr. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences. To avoid any further misunderstanding, no further statement shall be forthcoming.”

Maraming naging masaya sa kanilang pagkakasundo, totoong-totoo na kapag pare-pareho nilang gustong magkita sa gitna ay matatapos ang kanilang problema, na naganap na nga.

Wala nang manggagaling na komento mula kay Kris at sa magkapatid na Falcis para maiwasan ang maaari pang maging mitsa ng panibagong gulo sa pagitan nila.

Magsasarado ng bibig sina Attorney Jess at Nicko, ganu’n din si Kris, para tuluyan nang itiklop ang hindi magandang bahagi ng kanilang buhay.

Higit kaninuman ay malaking bentahe ito para kay Kris. Stress ang isa sa mga ugat ng kanyang pisikal na kundisyon. Stressful ang pagkakaroon ng kaso, siya man ang nagdemanda o idinemanda, talagang mahihirapang maihanap ng lunas ang kanyang allergies.

Sana lang ay tumupad si Kris na wala nang magsasalita pa mula sa kanila ng mga Falcis. Wala kaming duda kina Nicko at Attorney Jess.

Ang dila ni Kris Aquino na parang minantikaan sa dulas ang nakapagdududa kung makatutupad ba siya sa naging usapan nila ng mga Falcis.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with