^

PSN Showbiz

Nora maraming karamay sa pagkalaglag sa MMFF

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nora maraming karamay sa pagkalaglag sa MMFF

Marami ang nagulat, Noranians man o hindi, sa hindi pagkakasali ng entry ng Superstar Nora Aunor sa apat na pelikula na bubuo sa Magic 8 para sa Metro Manila Film Festival 2019.

Hindi mo naman sasabihin na pipitsugin ang Isa Pang Bahaghari dahil nasa direksyon ito ni Joel Lamangan at mula sa produksyon ng Heaven’s Best Productions na gumawa sa Rainbow’s Sunset na humamig ng maraming awards sa MMFF 2018 kasama na ang pagiging Best Picture.

Bukod kay Nora Aunor, kasama sa film sina Philip Salvador at Michael de Mesa. Malakas din ang support cast ng movie na binubuo nina Sanya Lopez, Maris Racal, Joseph Marco at Albie Casiño.

Wala naman marahil makapagsasabi na sumentro kay Nora ang lungkot ng pagkatalo dahil hindi rin naman pumasa ang mga pelikulang Tagpuan nina Alfred Vargas at Shaina Magdayao, The Heiress - Janella Salvador, Maricel Soriano, Damaso the Musical - JC de Vera, Vina Morales, Night Shift - Yam Concepcion.

Pinalad naman na kukumpleto sa Magic 8 ang Mindanao- Judy Ann Santos, 3pol Trobol-Coco Martin, Aiai delas Alas, Jennylyn Mercado, Culion - Iza Calzado, Jasmin Curtis-Smith at Write About Love - Rocco Nacino, Miles Ocampo.Makakasama nila ang The Mall, the Marrier - Vice Ganda, Anne Curtis, Sunod - Carmina Villarroel, Miracle in  Cell #7 - Aga Muhlach, Bela Padilla at Mission Unstapabol - Vic Sotto, Maine Mendoza.

Miles mas sinuwerte kesa kay McCoy

Feeling ng fans ng Hashtags member na si McCoy de Leon ay magiging masuwerte ang puso nito kay Miles Ocampo sa ginawang open na paghahayag ni McCoy ng kanyang paghanga sa Kapamilya actress na lately ay mukhang napasaya at nabigyan ng inspirasyon ang kanyang puso. Hindi man sila parehong pinalad sa announcement  ng Magic 8 para sa MMFF 2019 dahil napili ang movie ni Miles kapartner ng Kapusong si Rocco Nacino na Write About Love at ligwak naman ang  The Heiress ng Regal na kung saan ay kabilang si McCoy, mukhang masaya naman ang puso ng Hashtag member.

First time na magbida ni Miles sa isang malaking pelikula tapos nakabilang pa sa MMFF 2019. First movie ito ni direk Crisanto Aquino, ang batikang director at si Jerrold Tarog naman ang siyang nag-asikaso ng musika ng movie.

Supply ng tubig dapat aksyunan

Ano ba naman ‘yan, nagbabaha na ang Kamaynilaan pero, ayaw pa rin mapuno ng Angat Dam na siyang nagsu-supply sa atin ng tubig?! ‘Yun namang balak na pagtatayo ng dam ay hindi naman tayong nasa Maynila at mga karatig pook ang makikinabang. Pinoproblema pa ng marami nating kababayan na tutol na ibigay ang prangkisa ng paggawa nito sa mga Tsino. Wala bang maisip ang ating gobyerno para masolusyunan ito?

Ito man lamang ba ay hindi nila magagawan ng paraan? Kumilos naman sila para kahit papaano ay bumuti ang ating kalagayan. Puro na lang sila pahirap. 

Carlo at Nadine pansin na pansin sa AACA

Kahit kulang sa funfare ang pelikula nina Carlo Aquino at Nadine Lustre na Ulan nang unang ipalabas ito rito sa bansa, bumawi naman ito at naging winner sa regional awards ng 2019 Asian Academy Creative Awards (AACA).

Nanalo ang Ulan bilang Best Feature Film at sina Carlo at Nadine bilang Best Actor/ Best Actress.

Ang AACA ay katumbas ng Emmys sa US para naman sa mga bansa sa Asya na hino-host annually ng Singapore. Maglalaban-laban ang mga regional winner sa isang showdown para maging kinatawan ng bansa sa Gala Premiere ng AACA sa buwan ng Disyembre.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with