^

PSN Showbiz

Maine ayaw tigilan ng fans na nagmamarunong

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Maine ayaw tigilan ng fans na nagmamarunong

Hindi mo naman masisi si Maine Mendoza kung magalit man siya sa ilang fans niya na tutol sa relasyon nila ni Arjo Atayde. Feel nga ng iba pa at mas nakakarami niyang fans na wala na silang pakialam pagdating sa personal na bahagi ng buhay nito kasama na ang lovelife.

Kung may tutol sila ay sarilinin na lamang nila bilang respeto sa idolo nila. Sa kaso ni Maine ay may fans na open sa pag-atake sa kanya sa social media at bina-bash na siya.

Asan na ang suporta nila, sila ba ang magdi­dikta sa buhay ng mga artistang iniidolo nila?  Tsk. Tsk. Tsk.

Sheryl may kondisyon sa pakikipag-ayos kay Sen. Grace

Tama lang si Sheryl Cruz na makipag-ayos na sa kanyang pinsang si Sen. Grace Poe. Pero, gusto niya na gawin itong private at hindi ‘yung parang circus na maging ang mga walang kinalaman sa kanila ay narun sa paghaharap nila, nakikinig at nakikialam. Wish niya na mapaiba ang paghaharap nila sa ginagawa ng maraming artista ng pagbabandera ng mga kaganapan sa private life nila with fun fare.

Kung may tao man na sasaksi sa pag-aayos nila, ito ay walang iba kundi ang itinuturing ni Sheryl na pangalawang ina niya, ang kapatid ng kanyang inang si Rosemarie Sonora na si Susan Roces. Aktibo pa rin si Sheryl sa kanyang pag-aartista, kasama siya sa seryeng Magkaagaw ng GMA na napapanood makatapos ang Eat Bulaga.

Direk Tonet kinu-kuwestyon na rin ang TF nina Cesar at Phillip

Hindi lamang ang netizens ang nagpaparamdam ng pagtutol sa ginawang pagsama ng ilang showbiz celebs tulad nina Phillip Salvador at Cesar Montano sa biyahe ni Pres. Rodrigo Duterte sa Russia kundi maging ang movie director na si Antoinette Jadaone.

Disappointed ito sa ginawang paniningil diumano ng dalawang aktor ng TF sa ginawa nilang pagkanta sa harap ng Filipino community dun. Naniniwala ang direktor na kung totoo ito ay isa itong pananamantala sa panig ng mga artista dahil libre na ang biyahe nila ay nagpabayad pa sa kanilang entertainment service para sa mga kababayan natin dun.

HLG, nominado hanggang Australia

Hindi pa natatapos ang swerte ng Hello, Love, Goodbye dahil bukod sa kinikilala itong highest grossing film of all time ay nominado pa rin ito sa Best Asian Film sa Australia.

Sa movie lang kaya ang laban ng HLG, wala kaya sa acting? Maganda ang movie at maganda ang pag-arte ni Kathryn Bernardo. Kung makasali man ito sa acting category, baka si Alden Richards ang swertihin dahil pinakamagandang movie at performance niya ang HLG.

Miho bubuhayin ang career

Balik-showbiz na naman si Miho Nishida ng Pinoy Big Brother. Matagal din itong nawala matapos ang breakup nila ni Tommy Esguerra na kasabay niyang naging housemate sa Bahay ni Kuya. 

Hindi nakatulong sa karera nila ang paghihiwalay nila, pareho silang nawala. Ngayon ay nagbabalik si Miho na isang magandang desisyon para sa kanya.

Sana lang ay mabalikan niya ang iniwan niyang trabaho dahil sayang naman yung nasimulan niya, marami na rin ang nagawa niyang proyekto at nakakakilala sa kanya. 

The Clash may concert sa LA

May gagawing All 4 You: The Clash concert sa US sa October 19, ang GMA. Tampok dito ang tatlong hurado ng pinapanood na The Clash sa TV na isang paligsahan sa kantahan na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista, Lani Misalucha kasama ang The  Clash 1st grand champion Golden Cañedo. Magaganap ito sa Arcadia Performing Arts Center, Campus Drive, Arcadia, Los Angeles. USA, 7PM. Maagang Pamasko ito ng GMA sa mga kababayan natin dun at selebrasyon din ng Fil-Am History Month.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with