^

PSN Showbiz

Bianca binura ang ‘love’ photos nila ni Sen. Win!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bianca binura ang �love� photos nila ni Sen. Win!

In a way ay kinumpirma na ni Bianca Manalo ang relasyon nila ni Sen. Win Gatchalian.

Actually, common know­ledge na sa politics and showbiz circle ang nasabing relasyon ng former beauty / actress at senador na certified single, pero wala silang diretsahang confession na sila na nga.

Nirereto pa nga si Manay Lolit Solis si Sen. Win kay Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong pero hindi nga siya nag-suceed dahil nang makarating diumano ito kay Bianca, hinarang-harang na niya ang pagkikita sana ng dalawa.

“This thing called love”, captioned ni Bianca sa kanyang Instagram post.

“We go tegether.. remembered forever.. chang chang changitty chang sha-bop.. that’s the way it should be.. oooh yeah!”, dagdag niya na few lines sa Grease  - We Go Together song.

Pero more than the kilig sa relasyon nila, hindi nagpahuli ang photobombers na sina Sen. Grace Poe and former Sen. Antonio Trillanes.

Napansin din ng netizens ang pagvi-vape ni Senadora Grace.

Kuha ang nasabing photos nila sa 50th birthday celebration ni former Sen. Chiz Escudero na ngayon ay governador na sa Bicol.

Si Heart Evangelista ang punong-abala sa 50th birthday ng kanyang mister.

 Pero as of presstime ay burado na ang nasabing post ni Bianca na napapanood sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sayang, marami sanang natuwa sa kanilang ‘paglantad’ dahil finally ay naging open na raw sila ng senador na ang last girlfriend pa ay si Pauleen Luna.

Or baka rin kasi natakot si Bianca sa haters nina Sen. Grace and ex Sen. Trillanes na ginawan agad ng malisya ang pag-uusap sa background nina Bianca and Sen. Win.

May pa-hashtag pa naman kahapon ang fans na #ManaloNaWinNaWinPa sa nasabing ‘love’ photos nila.

More than a year na since makaligtas si Bianca sa pagkalunod nang lumubog ang bangkang sinasakyan nila ng ex BF niyang mayor ng isang probinsiya.

Kilala ring madasalin si Bianca at nakikita itong nagsisimba kahit mag-isa.

vuukle comment

BIANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with