^

PSN Showbiz

Tatay ni Nadine nagpaliwanag!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Tatay ni Nadine nagpaliwanag!

SCENE: Si Ethel Booba ang nanalo kahapon sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions.

Beterana na si Ethel sa pagsali sa mga singing contest dahil apat na taon pa lamang siya nang isali siya ng kanyang ina sa isang amateur singing contest.

SEEN: Ang episode kahapon ng Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions ang pinakamasaya dahil pinag-usapan nina Vhong Navarro, Vice Ganda at Ethel Booba ang paniningil nito sa kanyang talent fees na hindi agad nabayaran noon ng ABS-CBN. Sinabi ni Ethel na nasingil na niya ang TF sa kanyang past guestings sa Gandang Gabi Vice at Minute To Win It.

SCENE: Ang banta ni Ulysses Lustre na sasampahan niya ng cyberlibel case ang kanyang mga basher. Nasubok ang pasensya ng tatay ni Nadine Lustre dahil sa mga matitindi na banat sa kanya ng fans ni Kathryn Bernardo dahil sa Facebook rant niya noong October 9, 2019. Nilinaw ng ama ni Nadine na hindi para sa isang partikular na tao ang kanyang rant na “Facebook says, ‘What’s on your mind?’. I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while.

“Here it goes; I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”

SCENE: Sa kabila ng paglilinaw ni Ulysses Lustre, naniniwala pa rin ang fans ni Kathryn Bernardo na para sa kanilang idolo ang cryptic post ng ama ni Nadine. Damay rin si Nadine sa mga batikos ng fans ni Kathryn. Masasakit na salita ang tinatanggap ni Nadine mula sa nag-aalburotong fans ni Kathryn.

SCENE: Sina Maine Mendoza at Carlo Aquino ang mga contestant ngayon sa Bawal Kumurap, Nakamamatay ng Suwerte, ang pinag-uusapan na game segment ng Eat Bulaga.

 

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with