^

PSN Showbiz

Arjo at Maine going strong!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Arjo at Maine going strong!

SEEN: May kaba na nararamdaman si Kyline Alcantara dahil ngayon ang opening day sa mga sinehan ng kanyang launching movie, ang Black Lipstick. Ang Obra Cinema ni Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque ang producer ng Black Lipstick. Tungkol sa isang babae na may vitiligo pero nagiging pantay ang balat at gumaganda ang itsura kapag gumagamit ng black lipstick ang role ni Kyline sa pelikula. Sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa ang leading men niya.

SCENE: Si Julius Alfonso ang direktor ng Black Lipstick. Ang critically-acclaimed movie na Dedma Walking (2017) ang pinaka-popular na pelikula ni Julius at siya rin ang direktor ng Harry & Patty nina Kakai Bautista at Ahron Villena.

SEEN: Hindi matanggap ng ilang AlDub fans ang sinabi ni Maine Mendoza sa guesting nito sa show ni Boy Abunda sa ABS-CBN na mas guwapo si Arjo Atayde kesa kay Alden Ri­chards.

SCENE: “Malaking bahagi po,” ang sagot ni Maine sa tanong ni Boy Abunda na “Gaano kalaking bahagi ng kaligayahan mo si Arjo?” Ang sagot ni Maine ang kumpirmasyon na going strong ang relasyon nila ni Arjo.

SEEN: Mali ang pagkakaintindi ng bashers ni Regine Velasquez na contract star na ito ng ABS-CBN nang makaranas ng discrimination sa Louis Vuitton store sa New York. Dalaga pa si Regine nang mangyari ang insidente, ang pagtanggi ng isang Louis Vuitton salesclerk na bentahan siya ng sapatos na gustung-gusto niya.

SCENE: “Bakit sa Russia pa bumili eh meron naman sa Pilipinas,” ang reaksyon ng bashers nina Phillip Salvador at Cesar Montano na binabatikos dahil sa pagbili nila ng Adidas shoes sa Russia.

SEEN: Nalaman na lang nina Phillip Salvador at Cesar Montano na ipinagtanggol sila ni Robin Padilla sa pamamagitan ng Facebook live dahil may nagsabi sa kanila at ikinatuwa nila ang pagdepensa ng kapwa aktor na hindi nakasama sa Russia trip ni President Rodrigo Duterte noong nakaraang Linggo.

SCENE: Palaging galit si Martin Del Rosario sa halos lahat ng mga eksena niya sa The Gift. Masyadong dinidibdib at ginagalingan ni Martin ang contravida role niya sa primetime television drama series ni Alden Richards sa GMA 7.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with