^

PSN Showbiz

Sarah na-starstruck kay Regine

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Sarah na-starstruck kay Regine

SEEN: Professional at magaan na katrabaho ang ilan sa mga papuri nina Jun Lana at Perci Intalan kay Sarah Geronimo, ang lead star ng Unforgettable, ang joint venture ng The Idea First Company at ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa October 23. Napaiyak din ang director of photography ng Unforgettable sa isang dramatic scene ni Sarah.

SCENE: Ang Jack Russel dog na si Milo ang napili na co-star ni Sarah Geronimo sa Unforgettable dahil nakapasa siya sa audition na ipinatawag nina Jun Lana at Perci Intalan. Matatalino ang mga Jack Russel dog, ayon kay Perci.

SEEN: Na-starstruck si Sarah nang kunan ang mga eksena nila ni Regine Velasquez para sa Unforgettable sa isang karinderya sa Cubao na dinumog ng mga miron.

SCENE: Ni-revive ni Sarah ang Ang Tangi Kong Pangarap na ginamit bilang theme song ng pelikula. Ang Rivermaya ang original singer ng kanta. Ang revival ni Sarah sa kanta ang katuparan ng pangarap ni Rico Blanco na magkaroon sila ng collaboration. Isa si Sarah sa mga contract star ng Viva Artists Agency na gusto ni Rico na ipag-compose ng kanta.

SEEN: Tailor-made para kay Sarah  ang role ni Jasmine, ang lead character sa pelikula. Sina Ara Mina at Meg Imperial ang mga gumanap na kapatid ni Sarah at mula rin sa bulaklak ang pangalan ng mga karakter nila,  Dahlia at Violet.

SCENE: Cast member din ng Unforgettable si Kim Molina bilang kaibigan ni Jasmine. Binigyan ng importansya si Kim sa Unforgettable sa pamamagitan ng prominent billing sa pangalan niya. 

SEEN: Teaser pa lamang ng Unforgettable ang ipinapakita sa mga sinehan at TV. Ngayon pa lamang mapapanood ang full trailer ng pelikula at siguradong maiiyak ang lahat, ang pahayag nina Jun Lana at Perci Intalan.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with