^

PSN Showbiz

Baron pang-limang anak na ang ipanganganak ng misis

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Baron pang-limang anak na ang ipanganganak ng misis

MANILA, Philippines — Seryoso sa pagpapa-pastor si Baron Geisler. Naka­tsika namin sandali ni Baron sa wake ng kaibigang si Isah Red na na-cremate na kahapon ng hapon.

Ayon kay Baron, meron siyang once a week one-on-one session for his Theology course - two hours - sa pinapasukan niyang eskuwelahan.

Matagal na raw niya gustong mag-aral at magkaroon ng degree na ngayon niya lang tutuparin.

Miyembro ng Knights of the King Circle Internatio­nal Inc., isang congregation na kumikilala sa ‘Holy Spirit,’ ang actor.

Bukod sa pag-aaral ng theology, naghahanda na rin sila ng misis niyang si Jamie Bautista sa pagda­ting ng baby nila, third baby niya actually.

May dalawang panganay na siya sa dalawang ex at ganundin ang misis sa kanyang ex din.

Lalaki ang gusto niyang anak nila ng misis dahil parehong babae ang dalawang panganay niya.

May special arrangement din daw ang actor sa bible based rehab na nagga-guide sa kanya.

Kinontak daw niya ito kesa naman magkaroon siya ng depression tuwing nasa Cebu ang misis at nagso-solo siya sa condo.

Kesa raw mahulog siya sa kangku­ngan, tumawag siya ng support group na tutulong sa kanya.

May agreement daw sila na once a week ay bibisitahin niya ang lugar para ma-monitor ang lagay niya.

Napabalita na noon ang pagbalik niya sa rehab.

Eh ‘yung issue ng diumano’y pagka-tsugi niya sa Ang Probinsyano gaano katotoo?

Ramdam daw niyang nababawasan na ang exposure niya pero wala pa naman sa kanyang sinasabi.

Pero ready raw siya na mawala sa programa though ngayon wala siyang problema sa mga katrabaho. Sakali na hindi na siya kailangan, magko-concentrate na lang siya sa itinayo niyang media company. “Pero ayokong mawala sa AP ha. Linawin ko lang,” sabi niya pa sa nasabing tsikahan.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with