^

PSN Showbiz

Asawa ng male personality na nagkakaedad na nabawasan na ang kaepalan ng asawa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nabawasan na pala ang ginagawang pagbabantay sa isang kilalang male perso­nality ng kanyang misis. Hindi na bagets ang lalaking personalidad, nagkakaedad na, pero nginitian ng kapalaran ang kanyang karera.

Nakilala ang aktor sa isang seryeng sumobra ang haba sa himpapawid, katambal niya du’n ang isang magandang aktres na kahihiwalay lang sa karelasyon nitong aktor-pulitiko, kinakiligan nu’n ng mga kababaihan ang nagkakaedad nang male personality.

Pero maraming naeepalan sa kanyang misis, masahol pa kasi kuno ito sa PSG kung magbantay sa kanyang mister, kaya maraming naiinis sa misis ng aktor.

Kuwento ng aming impormante, “Nu’n ‘yun, nu’ng ang feeling ng wifey, e, isang napakalaking star na ang husband niya. Sobra siyang magbantay sa mister niya, kung anu-anong drama ang ginagawa niya kapag may mga gustong magpa-picture sa asawa niya!” unang kuwento ng aming source.

Pero walang bagay na panghabambuhay, kung ang kagandahan ay kumukupas, ang kasikatan ay nagiging malagihay rin at nanglalamig na.

Balik-kuwento ng aming source, “Ngayon, e, hindi na niya sinasamahan sa set ang husband niya kapag nagtatrabaho. Behave na siya.

“Naramdaman na rin kasi niya na hindi na kasing-init nang dati ang career ng husband niya. Tumamlay na. Paglakarin man niya sa kalye ngayon ang asawa niya, e, hindi na pagkakaguluhan na tulad nu’n.

“Wala na siyang haharangin, wala na siyang gagawing mga drama kapag pinagkakaguluhan ang asawa niya! Yup! Hindi na kasing-init nu’ng dati ang career ng husband niya. ‘Yup na yup!” pagtatapos ng ­aming impormante.

Ubos!

Isah Red noon pa may pahiwatig

Dalawang mahalagang bahagi ng lokal na pelikula at mundo ng aliwan ang halos sabayang pumanaw. Ang palaging nakangiti at cool na cool na si Direk Mel Chionglo at ang kasama namin sa panulat na si Isah Red na inilalarawan ng marami na mataray pero nasa likod ng katarayang ‘yun ang mapuso niyang kalooban.

Kailan lang ‘yun nang dumalaw sa aming art gallery sina Isah, Kuya Nestor Cuartero at kaibigang Eugene Asis.

Buhay-probinsiya ang inikutan ng aming kuwentuhan, pareho kasi kami ni Kuya Nestor na may mga pananim na gulay at mga punong-kahoy sa probinsiya, nakikinig lang sa aming mga kuwento si Isah Red.

Maya-maya ay sinabi niya, napapagod na raw siya sa buhay-Maynila, gusto na raw niyang umuwi sa kanilang probinsiya para maalagaan niya ang ipinatayo niyang bahay.

“Gusto ko nang umuwi, napapagod na ako. Gusto ko na ng tahimik na buhay,” madiin pang komento ni Isah.

Ngayon na lang namin naisip na ang pakahulugan pala niya sa pag-uwi ay ang pagbabalik na niya ng kanyang buhay sa Maykapal.

Ang taos-puso naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan nina Direk Mel Chionglo at kasama-kaibigang Isah Red.

Hindi raw tayo dapat nagsasabi ng paalam--hanggang sa muli lang.

Julia ini-enjoy na ang bashing!

Sutil din si Julia Barretto. Kung kailan ambon na lang ang dating parang malakas na bagyong kontro­bersiya sa kanila nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ay saka naman siya gumagawa ng panibagong ingay.

Tama bang muli niyang ilabas ang mga larawan nila ni Gerald ngayon? Meron siyang ibinigay na dahilan, para raw ‘yun sa promo ng kanilang pelikula para sa IWant TV, pero meron ba namang bibili sa mga katwirang sinasabi niya?

Natural, ang dating nu’n sa mas nakararami ay nambu-bully siya, nang-iinis, may pinariringgan at pinarurunggitan kung sino, dahil puwede namang iniwasan niya na lang sana ang paglalabas nu’n para wala nang kontrobersiyang muling mabubuksan.

Napakasakit na nga ng ginagawang pananahimik na lang ni Bea Alonzo sa mga pinagsasabi niya, para lang siyang sumisigaw sa hangin, deadma lang sa kanya ‘yung isa.

Tapos ay heto na naman? Kaliwa’t kanan na naman ang mga namba-bash sa kanya ngayon, pero mukhang may punto ang mga nakausap namin, parang nasarapan na si Julia sa ganu’ng senaryo dahil hinaha­nap-hanap na niya.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with