^

PSN Showbiz

Pelikula nina Maine at Carlo, may ibubuga sa trailer

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pelikula nina Maine at Carlo, may ibubuga sa trailer
Carlo Aquino at Maine Mendoza

Matapos mapanood ang kauna-unahang teaser ng unang pagtatambal nina Carlo Aquino at Maine Mendoza sa pelikula na Isa Pa With Feelings, nakahinga ng maluwag ang maraming supporters ni Maine dahil sa nakitang potensyal sa nasabing movie.

Sa pagsasama ng dalawa, hindi pa masabi kung may chemistry nga ba talaga, pero sa tulong ng napakagandang kanta ni Juan Karlos Labajo na Buwan na siyang theme song ng kanilang pelikula, lalo pa silang gumandang tingnan.

Bagay na bagay ang song sa movie, kung sino man ang nakaisip na gamitin ito para sa Isa Pa… ay dapat papurihan, naging maganda ang kumbinasyon ng song at ng kuwento.

No one thought na bagay pala sina Carlo at Maine, tulad din  ng pagtataas ng kilay ng marami nang maanunsyo na magtatambal sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, pero ayun ang pelikula nila at tinanghal na top grossing film of all time. Both Carlo and Maine ay may kanya-kanya nang lovelife, pero hindi ito problema sa kanilang pagsasama sa isang kuwento ng pag-ibig.

Mula sa produksyon ng Black Sheep at direksyon ni Prime Cruz, mapapanood na sa October 16, 2019 ang Isa Pa With Feelings in cinemas nationwide.

Mother Ricky hindi pinalaki ang problema ng CR

Isa si Mother Ricky Reyes sa hindi namroblema sa kanyang kasarian, instead, he used it as an advantage. Never siyang nagbihis babae in his quest for a good life at tinanggap niya ang anumang biyaya mula sa Panginoon, kaya marahil wala siyang naging problema na gaya ng mga pinoproblema ngayon ng maraming miyembro ng LGBT, na kahit pati CR ay pinagtatalunan pa.

Hindi nga niya napigilang magpahayag ng saloobin tungkol sa batas na Sogie Bill sa katatapos lamang na 16th anniversary ng foundation na kanyang itinayo katuwang si Hans Sy, ang Child Haus.

Matatagpuan ang Child Haus sa Agoncillo, Manila, malapit sa PGH na kung saan ginagamot ang maraming pasyente na nanunuluyan dito. Ito ang nagsisilbing transit house sa maraming batang pasyente na may kanser na nagmumula pa sa iba’t ibang probinsya.

Magastos kung magpapabalik-balik sila ng Maynila at probinsya para sa kanilang gamutan. Si Mother Ricky ang nakaisip na magtayo nito for the convenience of those who are sick at ng kanilang mga kasama na kadalasan ay mga magulang nila.

Si Hans Sy naman na anak ni Henry Sy ang nag-donate ng building ng Child Haus at maging ng ikalawang branch nito sa Sikatuna Village, Quezon City para naman sa mga taga-lungsod ni Mayor Joy Belmonte. Libre ito para sa lahat ng may sakit, libre rin ang gamutan at gamot at medical procedures.

Mga mambabatas wala nang maisip na magandang solusyon sa problema ng bayan?!

Wala na namang pasok kahapon, nagpiyesta na naman ang mga kabataang mag-aaral na hindi aware na maraming kaalaman ang mawawala sa kanila kapag lumiban sila kahit isang araw lang sa eskuwelahan, plus sayang din ang pinagti-tuition sa kanila ng kanilang mga magulang. Pinalala pa ito ng nakaambang pagtaas ng gasolina at petrolyo, at ang suhestiyon ng isang mambabatas na pagbawalan ang mga private cars during rush hours.

Okay ito kung kasama sila sa mga hindi makakabiyahe, pero kung ang maapektuhan lamang ay tayong mga ordinaryong mamamayan, aba napaka-unfair naman nun. Wala na ba silang maisip na maganda at mabuting paraan para sa atin? Bakit sila puro pahirap sa atin? Kung para sa isang senador ay bobo ang mga magsasaka, ano naman ang puwede nating itawag sa kanila, matapos natin silang pagkatiwalaan at iboto?

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with