^

PSN Showbiz

Female personality na pahirap sa production, ‘di na inimbitahan sa bonggang party

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Akala ng marami ay kuwento-kuwento lang ang hindi pang-iimbita sa isang kilalang female personality sa isang napakalaking pagtitipon pero may katotohanan pala ‘yun.

Hindi naman pala inisnab ng babaeng perso­nalidad ang bonggang party, ang totoo ay hindi pala siya inimbitahan, dahil sa sobrang pagpapahirap niya sa produksiyon nitong mga nakaraang araw.

Kuwento ng isang source, “Naku, talagang hindi siya invited kahit pa part naman siya ng network, kahit pa matagal na siyang artista ng istasyon, kasi nga, marami siyang ginawang kalokahan!” mabilis na reaksiyon ng impormante.

Matagal nang lumulutang ang kaartehan ng female personality na ito, kakambal nu’n ang kanyang kamalditahan, kaya siya nawala sa isang seryeng dapat sana’y makadadagdag sa kanyang karera ngayon.

Patuloy ng aming source, “Ma­rami siyang reklamo, wala siyang interes na gawin ang serye, dahil gusto niyang ipabago ang script! Marami siyang kuwestiyon!

“Tatanggapin lang daw niya ang programa kung babaguhin ang script na para bang siya ang producer na puwedeng magmando sa production!

“So, instead na magkaroon ng problema ang production, e, tinanggal na lang siya. Hindi nga naman maganda na sa umpisa pa lang, e, may problema na sila agad sa babaeng ‘yun!” dagdag na kuwento ng impormante.

Matagal nang bumibida ang kamalditahan ng female personality na ito, marami nang kuwentong lumulutang na siya ang sangkot, napakalaki raw ng kanyang ipinagbago.

Isang source naman ang nagsabi, “Ibang-iba na ang attitude niya ngayon, napakalayo na sa dating probinsiyanang nag-try ng luck niya sa isang talent search.

“May kamalditahan na rin siya nu’n, palagi nga siyang nakasimangot, kaya Simang ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya, di ba?

“Pero ibang-iba na siya ngayon, para bang meron na siyang ipinagmamalaking kung ano? Sumosobra na ang believe niya sa sarili niya na pati ang mga roles na ino-offer sa kanya, e, pinakikialaman na niya!

“Ibang klase na nga ang girl, kasi nga, napakaganda na ng kabuhayan showcase niya ngayon. Maldita na siya to-the-max! Parang hindi na niya kailangang umarte kung hindi rin lang masusunod ang gusto niya!

“Naku, ha? Kung ang mga personalities nga na super-rich, e, hindi ganu’n, siya pa kaya? Hindi naman siya rich!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga kuwentong Melanie Marquez nabuhay sa pagkapanalo ng anak

Mula nu’n hanggang ngayon ay hindi nalilimutan ng ating mga kababayan ang mga anekdotang nag-uugnay kay Melanie Marquez na tinanghal na Miss International nu’ng taong 1979.

“I won’t change my legs because I’m contented with my long-legged.” “You’re barking on the wrong dog!” “I would like to thank my parents, especially my father and my mother.”

Sino nga ba ang makalilimot sa mga kuwentong-Melanie Marquez? Isa na siyang kasaysayan sa mundo ng mga timpalak-pagandahan.

Ang Miss International ay nagkaroon ng isang magandang anak, si Michelle Dee, anak nila ng action star na si Derek Dee na pinutungan naman ng korona nu’ng Linggo nang gabi bilang Miss World-Philippines.

Madalas kaming magpunta nu’n sa bahay ni Melanie (na kung tawagin nami’y Ineng) sa Fil-Am Homes. Napakasimple niyang nanay, siya ang personal na nag-aasikaso sa kanyang mga anak, parang wala siyang korona sa ulo kung kumilos.

Bata pa si Michelle ay madalas na itong paalalahanan ni Melanie, “Baby, ang mga legs mo, ha? Bawal ang peklat! Alam mo na!”

Hindi niya ipinagduduldulan kay Michelle ang pagiging kalahok sa beauty pageant, pero ‘yun ang gusto ni Ineng, malay nga naman natin?

At nu’ng Linggo nga nang gabi ay napakaraming napanalunang special awards ng kanyang anak at natupad ang pangarap ni Melanie para kay Michelle, lalaban sa London sa Disyembre ang kanyang anak para sa Miss World.

Nu’ng lumaban si Ruffa Gutierrez sa Miss World ay si Ineng ang nag-train sa aktres, meron siyang sinabi kay Ruffa kapag nasa party na ang mga kalahok kung saan nakamatyag ang mga judges, “Kapag wine ang iniinom ng lahat ng contestants, kailangang iba ka. Ask for milk.”

Napakaligayang nanay ngayon ni Melanie Marquez. Nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na sana’y may anak siyang sumunod sa kanyang yapak.

vuukle comment

MELANIE MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with