^

PSN Showbiz

Gerald pinutakti ‘Never let anything destroy your love’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald pinutakti �Never let anything destroy your love�
Gerald

Open na ang comment box ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram account. Kaya naman nang mag-post siya ng “Never let anything destroy your love for the game.. #ballislife,” agad itong dinagsa ng sari-sariling reaction at comments ng kanyang followers.

‘Yun kasi ang ginamit na caption ni Gerald sa kanyang IG post na nasa loob ng court. Imus guard si Gerald sa MPBL.

“Mahilig sa BOLA kaya magaling MAMBOLA!,” sabi ng isang nag-comment.

Meron parang comment na matakaw daw siya sa babae at kung anik-anik pa.

Pero mabilis din naman ang pagtatanggol sa kanya ng ibang fans. Na naka-move on na raw sila kaya sana ay tantanan na ang actor sa ‘ghosting’ nito kay Bea Alonzo.

Anyway, mauudlot diumano ang airing ng A Soldier’s Life ni Gerald sa ABS-CBN na naunang sinasabing papalit sa magtatapos na The General’s Daughter.

Magsabay na lang kaya sila ng airing ng local adapation ng Descendants of the Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes?

Nade-delay din daw kasi ang Descendants... The last time na nakausap ko ang isang insider ng GMA ay nagkuwentong hindi pa sila nagkakapag-taping. Supposedly daw ay this September na sila magsisimula.

Eh hindi naman daw puwedeng hand-to-mouth ang mga episode nito dahil mabibigat ang mga eksena ng Descendants... na isang war / love story.

So sila nga kaya ang magsasalpukan na parehong tungkol sa mga soldier ang mga kuwento?

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with