^

PSN Showbiz

Ara Mina nanlumo!

SEEN SCENE - Agence France-Presse
Ara Mina nanlumo!
Ara Mina

SEEN: Ang balita na nanlumo si Ara Mina nang malaman nito ang nangyari kay Deborah Sun. Nababanggit ang pangalan ni Ara sa mga report tungkol sa pag-aresto kay Deborah dahil ito ang nakatira sa kanyang condominium unit. Sinabi rin umano ni Deborah sa arresting team na ila­labas siya ni Ara Mina sa kulungan. Mariin na itinanggi ni Deborah na gumagamit siya ng illegal drugs pero positibo ang resulta ng drug test sa kanya.

SCENE: Ipinakilala kahapon ng GMA 7 ang complete cast ng The Gift, ang primetime drama series na mapapanood simula sa September 16, 2019. Si Alden Ri­chards ang lead actor ng  SEEN: Strawberry ang pangalan ng karakter ni Jo Berry sa The Gift. Kasama kahapon ni Jo sa presscon ng The Gift ang kanyang ina at kapatid na lalake na kagaya niya na little person.

SCENE: Si LA Madridejos ang direktor ng The Gift. Puring-puri ni LA ang kabaitan ni Alden na dinumog ng fans nang mag-taping sila sa Divisoria kaya nagtayo sila ng set sa Murphy, Quezon City para maiwasan na ang pagkakaroon ng problema sa crowd control. Kahit nahirapan sila na mag-taping sa Divisoria, plano ni  Madridejos na ipakita sa mga susunod na eksena ng The Gift ang magagandang pagbabago sa City of Manila mula nang manungkulan si Mayor Isko Moreno.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with