^

PSN Showbiz

Aktres sa orihinal na 'Temptation Island,' tiklo sa buy-bust operation

James Relativo - Philstar.com
Aktres sa orihinal na 'Temptation Island,' tiklo sa buy-bust operation
Nakita sa pangangalaga nina Deborah Sun — Jeane Louise Porcuna Salvador sa totoong buhay — ang pinaghihinalaang shabung nagkakahalaga ng P6,800, drug paraphernalia at timbangan.
Video grab mula sa Regal Entertainment, Inc.

MANILA, Philippines — Arestado ang isang dating aktres sa Lungsod ng Quezon matapos mahulihan ng iligal na droga, Linggo ng umaga.

Kininilala ang suspek bilang si Jeane Louise Porcuna Salvador, 60-anyos, na mas kilala sa pangalang Deborah Sun.

Kasama niyang nadakip ang anak na si Angela Salvador at dalawa pang kalalakihan.

Nakita sa kanilang pangangalaga ang pinaghihinalaang shabung nagkakahalaga ng P6,800, drug paraphernalia at timbangan.

Nahuli siya sa tinutuluyang condominium unit sa Baranggay E. Rodriguez sa Cubao, na pinagagamit sa kanya nang libre ng kapwa aktres na si Ara Mina sa ngalan ng pagmamalasakit.

Sa ulat ng News5, iginiit ni Salvador na ang anak na babae't kanyang nobyo ang tunay na nasa likod nito at nadawit lang daw siya. 

Itinanggi ng mga suspek ang paggamit ng iligal na droga ngunit pare-parehong nagpositibo rito.

Haharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakulong na rin ang panganay niyang babae sa San Juan City Jail kaugnay ng droga, ngunit nanindigan na "na-set up" lang ang nabanggit.

Matatandaan si Deborah mula sa kanyang pagganap bilang "Maria" sa pelikulang "Temptation Island" noong 1980, na ni-remake nina Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Heart Evangelista, Lovi Poe at Solenn Heussaff noong 2011.

 

 

Taong 2017 nang umapela ng tulong at trabaho si Salvador para masuportahan ang mga anak at apo na sa kanya lang daw umaasa.

Maliban kay Ara, tinulungan na rin siya noon ng iba pang showbiz personalities gaya nina Fannya Serrano, Boy Abunda at kapatid na si Philip Salvador. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

DEBORAH SUN

DRUGS

PHILIP SALVADOR

SHABU

TEMPTATION ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with