^

PSN Showbiz

Gina Lopez mas nakilala sa genuine love

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gina Lopez mas nakilala sa genuine love
Gina Lopez

Marami pa ring hindi nakaka-move on sa pagkawala ni Ms. Gina Lopez kamakailan lang lalo na nang mapanood nila ang dokumentaryong Genuine Love, kung saan nakilala at lumutang pa ang pagmamahal niya para sa mga bata, Pilipino, bansa, Diyos, at kalikasan.

Ipinakita kasi sa Genuine Love ng yumaong chairperson ng ABS-CBN Foundation ang kanyang mga sinimulang proyekto tulad ng mga palabas na Sineskwela, Hiraya Manawari, at  Bayani na hinimok ang mga bata na mahalin ang pag-aaral at bayan; ang unang rescue hotline para sa mga inabusong bata na Bantay Bata 163; at mga kampanya para sa kalikasan tulad ng Bantay Kalikasan, Save the La Mesa Watershed, Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig, at No to Mi­ning in Palawan.

Ipinapakita rin ng ABS-CBN DocuCentral sa Genuine Love ang iba-ibang aspeto ng buhay ni Gina mula sa mga kwento ng kanyang inang si Conchita, mga kapatid kabilang sina ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III at Creative Programs Inc. president Ernie Lopez, at mga naging katrabaho at kasama sa ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) tulad ni dating Bantay Bata 163 head Tina Monzon-Palma at Bantay Kalikasan program director Jen Santos.

Bumuhos naman ang mga papuri at pasasalamat kay Gina matapos ipa­labas ang dokyu sa ABS-CBN noong Agosto 25, ilang araw matapos siyang pumanaw. Napanood din dun ang naging karanasan niya bilang misyonaryo ng Ananda Marga, mga balita at panayam tungkol sa kanya at mga adbokasiya niya, kabilang ang hu­ling interbyu sa kanya noong Hulyo, kung saan nagpakita pa rin siya ng buhay at pagasa sa kabila ng dinaranas na sakit.

Panoorin ang Genuine Love sa iwant.ph, iWant App, skyondemand.com.ph, o sa ABS-CBN News YouTube channel.

 

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with