^

PSN Showbiz

Fans ni Sharon nagluluksa

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Sharon nagluluksa

Marami ang na-lonely sa announcement ni Megastar Sharon Cuneta na iiwan na niya ang kanyang karera. Nagpaalam naman siya ng maayos sa kanyang fans at nagsabing nakakaramdam na siya ng kapaguran and wants to take everything easy pero kapag nakatanggap siya ng magandang project, she might reconsider. Knows naman niya na hindi ganun kadaling talikuran ang gawain na kinalakhan niya na nagsilbing malaking bahagi ng buhay niya.

Sa ngayon ay nagluluksa pa ang fans niya but accept that everything in life must come to an end. 

G pang millennial

If the Megastar will be sorely missed by her fans, magpapasaya naman ang grupong tatlong miyembro ng Hashtags, McCoy de Leon, Jameson Blake, Mark Oblea at Paulo Angeles sa pagsasanib-pwersa nila para makagawa ng isang film na pang-milenyal. Sayang at mukhang hindi kinaya ng budget ng producer ng movie nilang G! na makuha ang kabuuan ng Hashtags kaya sina McCoy, Jameson, Mark at Paulo lang ang na-assign na mag-deliver ng kuwento ng isang kabataang grupo na binuklod ng pagmamahal sa isa’t isa at magsisilbing isang magandang ehemplo ng isang millennial friendships.

Bukod sa apat na kabataang bida, kasama sa cast sina Rossana Roces, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Quigaman, Roxanne Barcelo, Gio Alvarez, Kira Balinger, Moi Bien, Alora Sasam, Nick Parker, Patrick Sugui at Joey Marquez.

Kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (September 13 -19) ang G! na nasa direksyon ni Dondon Santos at mula sa nagbigay ng mga ‘di malilimutang pelikulang Mang Kepweng, Fallback, Harry & Patty, The Significant Other at Paano Hinihintay ang Dapithapon.

Inigo at Maris gamit na gamit sa pelikula ang breakup

Napakasakit siguro para kina Inigo Pascual at Maris Racal ang ngumiti sa isa na parang hindi sila dumadaan sa isang painful breakup. Artista talaga sila in the truest sense of the word. Si Maris lamang ang nagpakatotoo na nagsabi na Inigo broke her heart. At understatement pa ‘yun huh! Both are promoting their film I’m Elenya L for Spring Films.

Their fans are wondering kung bakit kailangan pa nilang maghiwalay. Makakakuha naman sila  ng inspirasyon  sa isa’t isa na ayon  kay  Inigo ay hindi niya kaya ang distraction  sa ngayon. Kaya goodbye muna sa isa’t isa? Tsk. Tsk. Tsk.

Nakakapareha ni Kathryn nadidikitan ng suwerte

Parehong si Kathryn Bernardo ang star ng naglabang two highest grossing films of all time, ang The Hows of Us at Hello, Love, Goodbye. Swerte ng nakapareha niyang aktor sa nasabing movies na sina Daniel Padilla at Alden Richards. Sana ay ma-realize ito ng dalawang malalaking artistang lalaki ng dalawang magkalabang network at be thankful na masuwerte sila to have been assigned na maging leading man ng Kapa­milya actress at maidirek ng isang mahusay na kapamilya director.

Baka kung wala ang kumbinasyong Kathryn at Cathy Garcia-Molina ay hindi naging ganun kaganda ang resulta ng mga nasabing film. 

Morissette at ama nagkaayos na

Magkakaayos din pala ang mag-amang Morissette at Amay Amon. Buti na lamang ay hindi pinalala ang away nila ng pagsagot ni Morissete sa ama.

Napanatili niya ang pagiging isang mares­petong anak. Tanging ang ama niya ang tumanggap ng mga hindi magandang reaksyon mula sa mga nakabatid ng away. Good decision, Morissette.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with