^

PSN Showbiz

Showbiz family na matinding magmahalan pinabayaan ang isang batang kapamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malaking tanong para sa mara­ming taga-showbiz kung bakit pinabayaan nilang walang closure ang problema ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Kilala sa sobrang pagmamahalan ang pamil­yang ito, kapag may nakalaban ang isa sa kanila ay buong puwersa rin silang nakikipaglaban, bakit kaya hindi nila naasikaso ang problema ng isa nilang kapamilya at ng anak nito?

Kuwento ng aming source, “Matin­ding magmahalan ang pamilyang ito, talagang matindi ang support system nila, one for all, all for one nga ang paborito nilang motto.

“Kapag nagkaproblema ang isang member ng fami­ly nila, silently, e, nakasuporta ang lahat, walang iwanan sa family nila. Pero bakit kaya wala silang ginawa para maiayos ang problema ng isang family member nila?

“Masamang-masama ang loob ng anak niya, lumaki ang bata na hindi sila magkasama, nagkahiwalay kasi ang parents niya. Pero kahit pa! Bakit nila hinayaang magkaganyan ang sitwasyon?

“Ang kinikilalang father ng bagets, e, ang stepdad niya? Kasi nga, batambata pa lang siya, e, ‘yung stepdad na niya ang kasama niya.

“Binata na ngayon ang guy, nasa wastong isip na, hindi natin siya masisisi kung nagtatago siya ng sama ng loob sa father niya,” unang kuwento ng ­aming impormante.

Nakikilala na ang bagets actor, kasali siya sa isang grupo at sinusuwerteng magkaroon ng mga endorsement ngayon, kaya hindi siya makaiiwas sa mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sa maayos na pananalita ay nakapagtatawid ng emosyon ang bagets, napapanood kaya ng father niya ang kanyang mga sinasabi, wala kaya itong planong makipag-usap sa kanyang anak?

Patuloy ng aming impormante, “Sana, may isa man lang member ng family ng father niya na umaksiyon para magkausap silang mag-ama. Nakakalungkot ang ganito, di ba?

“Kilalang maayos ang family nila, tapos, may isang bagets na hindi masaya dahil sa pagpapabaya ng father niya? Hindi ganu’n ang pagkakilala ng buong showbiz sa family nila!

“Sana nga, e, magkaroon naman ng time ang father na kausapin ang anak niya. Isang pag-uusap lang nila, e, siguradong magpapabago sa sitwas­yon. Mararamdaman ng bagets na complete na siya. Sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden puro thank you lang ang nasasabi

Mabiyaya ang personal na buhay at career ni Alden Richards. Nang magpaulan ng suwerte ang kapalaran nitong mga huling buwan ay literal na maraming-maraming nasalo ang Pambansang Bae.

?Siya ang itinuturing na numero unong aktor ngayon ng GMA-7. Tumaas nang todo ang kanyang premium dahil sa malaking tagumpay ng pelikulang pinagbidahan nila ni Kathryn Bernardo na pinaniniwalaang bilyong piso na ang kinikita ngayon.

?Maayos ang takbo ng kanyang mga pinasukang business, pagkain ang kanyang tinutukan, walang kalugi-luging negosyo tulad din ng ospital, gasolinahan at komunikasyon.

?Sabi nga ni Alden, “I’m so blessed. Wala na po akong masasabi ngayon kundi puro thank you na lang. Feeling ko  kasi, kapag humingi pa ako kay Lord, e, kalabisan na.”

?Pero sa kabila ng kanyang tagumpay ay nakakatuwa ang mga komentong maririnig mula sa kanyang mga kasamahang artista, katrabaho at kaibigan. Lalo na mula sa mga dati niyang kaklase at kabarkada.

?Sabi ng aming source, “May isa siyang kaibigan na anak ng furniture owner sa Laguna. Magkabarkada talaga sila. Alam n’yo bang kahit ngayon, kapag may free time si Alden, e, binibisita niya ang family ng kaibigan niya?

?“’Yun ang reason kung bakit patuloy siyang sinusuwerte, he really finds ways para mapasaya niya ang lahat. Second skin na ni Alden Richards ang pagiging humble,” kuwento ng aming kausap.

?Malapit nang magsimula ang kanyang seryeng The Gift sa GMA-7. Siguradong magi­ging matagumpay ang kanyang programa dahil napakaraming nagdarasal para sa tagumpay ng lahat-lahat ng mga ginagawa niya.

?Sa September 28 nang gabi ay mabibiyayaan naman ang mga taga-Poblacion, San Rafael, Bulacan dahil siya ang special guest sa kapistahan sa imbitasyon ng aming mahal na kaibigang si Tita Flory Estrada.

?Isang gabi ‘yun na siguradong hindi malilimutan ng mga taga-Poblacion, San Rafael, Bulacan dahil ang hinahangaan nilang Pambansang Bae ay makakasama nila nang personal.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with