^

PSN Showbiz

Andrea nangayayat sa kakatakbo sa ‘Ghosting’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Associated Press
Andrea nangayayat sa kakatakbo sa �Ghosting�

Palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw ang pelikulang The Ghosting na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Khalil Ramos.

Ayon sa aktres ay ibang karanasan ang paggawa ng isang horror film. Sanay kasi si Andrea sa teleserye o paggawa ng drama ang tema.

“Ang hirap po kasi sa drama, do’n po maldita ako. Parati akong nang-aaway. Parati akong nananabunot, naninigaw. Pero dito sa horror palagi rin akong sumisigaw kasi natatakot ako, siguro mas kumportable lang ako nang konti sa drama. Kasi para sa akin mas madali po ‘yung iarte, ‘yung emotions na ‘yon. Kasi kapag horror po, puro takot lang. Ang hirap po kasi sa akin hindi po ako matatakutin. Eh kapag horror po puro takbuhan. Actually, pumayat nga po ako sa movie na ito kasi puro ako takbo. Tapos ang dami ko pong naging pasa sa movie na ito,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Para sa dalaga ay malaki ang naitulong ng teleseryeng Kadenang Ginto upang makakuha siya ng iba pang proyekto. Isa sa mga pangunahing bida ang aktres sa panghapong programa ng ABS-CBN. “Yes po, gaya nitong The Ghosting, hindi naman po ako maika-cast dito kung hindi nila ako napanood sa Kadenang Ginto. Mas madami na pong nakakapanood sa pag-arte ko. And feeling ko po mas nakikita na ng mga tao kung paano ako umarte, mas marami na pong nakaka-appreciate, sobrang laking tulong po nitong Kadenang Ginto sa akin. Kasi ang dami din pong blessings ang pumasok sa life ko,” paglalahad ng aktres.

Pitong taong gulang pa lamang nang magsimulang mag-artista si Andrea. Mula noon ay maraming mga bagay naman daw ang natutunan ng aktres. “Dati nagsisisi ako na kasi bata pa ako, ang naiisip ko na pagi­ging artista madali lang. Sisikat ka, madami kang fans, mabibili lahat ng gusto mo. ‘Yon lang ‘yung naisip ko. Pero ngayon ang dami pa pala. Ang hirap maging artista, ang dami kong natutunan. Ang dami ko ring pinagdaanan na sobrang hirap. ‘Yon ‘yung hindi ko naisip kaya sana, nasabihan ko ‘yung dating ako,” makahulugang pahayag niya.

Kahit maagang nagsimula sa show business ay na-enjoy din naman ni Andrea ang maging isang ordinaryong bata. “Nagkaroon naman ako ng konting childhood. Nagkaroon ako ng mga moments na naglalaro lang ako sa kalye. Bibili lang akong mga street food. Then nag-regular school naman ako. Nag-stop lang akong mag-regular school noong high school ako. Doon po ako nag-home school and ito po ‘yung pinili ko and ito ‘yung ginusto ko talaga. Ito lang din ang alam kong gawin. Ito rin ‘yung passion ko. Ito rin ‘yung parang hope ko. And masaya naman po ako sa kung ano man po ang meron ako ngayon,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

KHALIL RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with