^

PSN Showbiz

Janno ginaya ang boses ni Eddie

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Janno Gibbs

SEEN: Aspiring actor si Mr. World Philippines at Mr. World 2019 Asia & Oceania winner na si JB Saliba. Pamilyar si JB sa televiewers dahil napanood siya sa isang bit role ng Karelasyon ng GMA 7 at former contestant  ng Season 2 ng Amazing Race Philippines ng TV5 noong 2014. Kasama ni JB sa Amazing Race Philippines ang kanyang ama na si AJ. 

SCENE: Sa September 9 ang premiere telecast ng Beautiful Justice, ang primetime television series ng GMA 7 na ipapalit sa Sahaya na magwawakas sa September 6. Mga lead actress sina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia. Sina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Gabby Eigenmann at Victor Neri ang male cast ng Beautiful Justice na mula sa direksyon ni Mark Reyes na isang drama, action at crime series.

SEEN: Hindi sigurado kung magagamit ang boses niya sa isang eksena ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, ang comedy movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa September 4. Si Janno Gibbs ang nag-dub sa boses ng pumanaw na aktor na si Eddie Garcia sa huling pelikula na ginawa nito.

SCENE: Adan ang pamagat ng launching movie ng former beauty queen na si Cindy Miranda. Tungkol sa lesbian love affair ang kuwento ng Adan na follow up project ni Cindy sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo. Grateful si Cindy dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. sa upcoming comedy movie ng Viva Films.

SCENE: Natawa si Tony Labrusca sa obserbasyon na sila ni Angel Aquino ang nagpauso ng mga torrid kissing scene sa Glorious na ginagawa na rin ngayon ng ibang mga artista sa mga pelikula na tungkol sa May-December love affair ang kuwento.

SEEN: Iba ang rehistro sa television screen ng Starstruck Season 7 contestant na si Abdul Raman dahil taglay niya sa personal ang physical appearance ng isang future matinee idol. Dapat matuto si Abdul na hanapin ang wastong anggulo niya sa television screen para hindi pabagu-bago ang kanyang itsura.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with