^

PSN Showbiz

Movie ni Dingdong ‘di muna tuloy!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Movie ni Dingdong �di muna tuloy!
Dingdong Dantes

SEEN: Karapatan ni Evangeline Opsima na ipagtanggol at protektahan si Gerald Anderson pero tahimik na ang isyu na muling nabuhay dahil sa kanyang mga pahayag. Binabatikos ngayon si Opsima dahil sa pagsasalita niya laban kina Bea Alonzo at Julia Barretto.

SCENE: Hindi ikatutuwa ni Marjorie Barretto ang pahayag ni Evangeline Opsima tungkol sa kanyang anak na si Julia Barretto. Tahasan na sinabi ni Opsima na ayaw niya sa relasyon nina Julia at Gerald dahil mas matanda ito kesa sa young actress. Mabigat ang pahayag ni Opsima na hindi rin magtatagal sina Gerald at Julia dahil pareho ang industriya na ginagalawan ng dalawa.

SEEN: Hindi dapat nagsalita nang tapos ang nanay ni Gerald tungkol sa magkakarelasyon sa showbiz na hindi nagtatagal. Pareho ng industriya na ginagalawan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Susan Roces at Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, Senator Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado pero matatag ang kanilang mga pagsasama. Nakasalalay sa magkakarelasyon ang itatagal ng kanilang pagmamahalan.

SCENE: Sama-sama na pinanood noong Sabado, ng It’s Showtime hosts at production staff sa SM North Edsa Cinema ang Just A Stranger bilang suporta nila kay Anne Curtis, ang lead actress ng blockbuster movie ng Viva Films.

SEEN: Ibinalik sa Unforgettable ang pamagat ng pelikula na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo at ng isang aso. Ang Unforgettable ang original title ng movie project na muntik nang maging Because You Love ang pamagat. Sa October 23, 2019 ang tentative playdate nito.

SCENE: Hindi matutuloy sa September 25 ang playdate ng A Hard Day, ang Philippine adap­tation ng blockbuster Korean movie na tinatampukan ni Dingdong Dantes. Ang Jowable, ang launching movie ni Kim Molina ang ire-release ng Viva Films sa mga sinehan sa September 25.

SEEN: Certified mama’s boy ang isang hunk actor dahil hanggang ngayon, isinasama niya sa mga showbiz event ang kanyang nanay na may stage mother image at nangangarap din na maki­lala bilang celebrity.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with