^

PSN Showbiz

Costumer nag-reklamo restuarant ni juday mas marami raw ang kanin kesa ulam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matutupad na ang request ng mga taga-South na magkaroon ng branch sa area nila ang Angry Adobo Restaurant nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil sa latest post ni Judy Ann, may pahaging siyang magbubukas sila ng branch ng Angry Adobo na malayo sa Taft.

“Cooking up something big for everyone, specially the southerners. (hint, hint!) . From the bottom of my heart.. maraming maraming salamat po for making this girl’s dream to become a Chef come true. Love and Life is truly full of surprises..”

Sa ibinalita ni Judy Ann na posibleng pagbubukas ng branch sa Alabang, sumunod ang request na magkaroon din sila ng branch sa Pampanga, sa Quezon City, Tagaytay at iba pang parte ng Metro Manila. Kapag pinagbigyan nina Judy Ann at Ryan ang request, matitigil na sa showbiz si Judy Ann para mag-concentrate sa Angry Adobo.

Ang maganda, nakikinig si Judy Ann sa reklamo at request ng diners. Tiyak na gagawan ng paraan ng aktres ang comment na sana dagdagan ang serving ng ulam dahil mas marami ang rice. Sa nagre-request ng hindi pork, may sardines at tofu sa menu at may chicken pa kaya may pagpipilian ang mga kakain.

Heart nagbuyangyang ng seksing legs, pinutakti ng likes!

Umabot na sa 198,506 ang likes at 1,347 comments ang post ni Heart Evangelista ng photo niya na naka-costume at kita ang mga hita. Simple ang caption ni Heart na “Just a casual day getting ready for work.”

Nagbiro si Iya Villania kung papunta ba sa palengke si Heart sa suot? Dahil ito sa mga naunang posts ni Heart na maggu-grocery at bibili ng corned beef pero, nakapustura at parang rarampa.

Sa mga nag-comment na ang payat niya, ang sagot ni Heart dahil ‘yun sa h2 diet na marami tuloy ang na-curious kung ano ang h2 diet na tinukoy ni Heart. Kung nakikita n’yong kumain si Heart, hindi talaga siya tataba dahil ang konti niyang kumain at limitado pa ang carbs.

Sa isa pang photo ni Heart, naka-sexy costume rin siya, suot niya sa dance number niya sa Starstruck kahapon. May kani-kanyang production number ang judges at hosts at si Heart, sumayaw.

Andrea nilampaso ng bashers ng ex ni Derek

Sobra ang galit ng basher ni Andrea Torres sa kanya at pati sa Instagram (IG) ni Derek Ramsay ay bina-bash nito ang leading lady ng aktor sa The Better Woman. 

Hindi maintindihan ng basher kung bakit ipinagpalit ni Derek ang ex niyang si Joanne Villablanca sa tinawag nilang “retokada” at kaya lang daw pinatulan ni Derek dahil malaki ang dibdib ni Andrea na fake naman.

Kahit kailan daw hindi matutulad si Andrea kay Joanne na class at hindi katulad niya na walang class. Kung nagkataon daw na flat chested si Andrea, hindi siya papatulan ni Derek.

Hindi na sinagot ni Derek ang basher ni Andrea na sa IG account pa niya nag-comment at na-feel siguro ni Derek na not worth of his time para sagutin, kaya hinayaan na lang. Ang importante, masaya sila ni Andrea na sabi ni Derek, hindi pa niya GF na ayaw paniwalaan ng marami.

May paalala pala sina Derek at Andrea sa Kapuso viewers na simula sa Monday, nasa third slot na ang The Better Woman, mauuna na ang Love You Two  at saka susunod ang soap nila ni Andrea, sa 9:20pm., na mapapanood.

Cast ng DOTS padagdag ng padagdag

Nadagdagan na ang cast ng Descendants of the Sun at kasama na sa cast sina Renz Fernandez, Chariz Solomon, Nicole Donesa, Reese Tuazon at Andre Paras. Kasama nila si Jasmine Curtis-Smith na bumubuo sa Medical Team ng DOTS.

Nag-training na ang grupo sa AFP Military-Medical Unit.

Malaki ang cast ng DOTS at tiyak, madadagdagan pa sila sa pagdating ng araw at bago ang final announcement ng cast. Saka, hindi pa in-announce kung sino ang gaganap sa role ni Dr. Kang, ang leading lady ni Big Boss na ginagampanan ni Dingdong Dantes.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with