^

PSN Showbiz

Alden ipapareha sa bagong mukha

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden ipapareha sa bagong mukha
Alden

Lumipad patungong Dubai sina Alden Ri­chards at Kathryn Bernardo kahapon ng umaga para sa international screening ng Hello, Love, Goodbye na naka-schedule doon na dadaluhan nilang dalawa. Meron pa silang naka-schedule sa Qatar, Saudi Arabia, UAE, Oman, Bahrain at meron din sa Australia, Brunei, New Zealand at Singapore.

Silang dalawa talaga ang niri-request ng mga kababayan natin doon kaya isiningit nila ito sa kanilang schedule.

Tuwang-tuwa naman ang ilang co-stars ng naturang pelikula, dahil kung si Alden ang masusunod, gusto sana niyang makasama ang ilan sa kanila gaya ni Joross Gamboa at Jeff Tam na naging malapit na sa kanya magmula nang mag-shoot sila sa Hongkong.

Pagbalik nila galing ng Dubai at Abu Dhabi, naka-schedule uli silang mag-Singapore at baka doon na isama nina Alden ang ilang co-stars, na willing ang Kapuso actor na sagutin ang kanilang plane fare.

Pagkatapos ng mga international screening na dadaluhan ni Alden, sisimulan na raw niya ang drama series na may tentative title na The Gift.

As of now wala pa silang napiling leading lady, pero ang dinig namin bagong mukha ang ipa-partner sa kanya.

Kissing scenes nina Maine at Carlo pinag-uusapan pa

Nagsimula na ring mag-shoot si Maine Mendoza ng pelikulang Isa Pa With Feelings kasama si Carlo Aquino.

Masayang kinuwento sa amin ni Maine na ang gaan lang daw sa set nila at doon daw niya nakitang maga­ling talagang aktor si Carlo.

Tinanong na rin namin kung parang mala-Hello, Love, Goodbye din ba itong may kilig-kiligan sila ni Carlo?

“Sakto lang. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero…hindi ko masabi. Hindi ko matantiya.

“Tingnan na lang natin kapag mabuo na namin, pag lumabas na ang trailer kung kiligin ang mga tao,” masayang sagot ni Maine nang nakatsikahan namin sa story conference ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity.

“Magaling si Carlo, wala akong masabi. Maga­ling siya talaga. Pero mga light scenes pa lang po kasi ang nagagawa namin, and nakaisang araw pa lang kami. So tingnan natin,” dagdag niyang tsika sa amin.

Sinundan na rin namin ng tanong kung okay lang ba may kissing scenes sila ni Carlo.

“Iyun po ang hindi ko pa alam, kasi pinag-uusapan pa,” napapangiting pahayag ni Maine.

Sa August 14 na rin magsimulang mag-shoot ang Mission Unstapabol nina Maine at Bossing Vic. Kaya nagpasabi na si Maine sa fans niya na hindi siya madalas na mapapanood sa Eat Bulaga dahil sa dalawang pelikulang nilalagare niya.

Javi si Darna ang naramdaman nang hawakan ni Angel ang mukha

Ang isa pala na fan nina Alden at Maine pati si Kathryn ay ang baguhang Kapamilya actor na si Javi Benitez.

Buong pamilya raw silang nanood ng Hello, Love, Goodbye at tuwang-tuwa raw sila sa ganda ng pelikula.

Kaya nang tinanong namin si Javi kung type rin ba niyang makasama si Kathryn sa isang movie project, ang bilis ng sagot niyang “oo” dahil naging fan din siya ng bagong Superstar.

Pero masaya naman daw siya ngayong si Sue Ramirez ang una niyang naka-partner sa pelikulang ginagawa niya ang Kid Alpha One na dinirek ni Richard Somes.

Siyempre aksyon na aksyon kapag tatak Somes, kaya proud si Javi na ipinakita na sa amin ang teaser ng pelikulang ginagawa niya.

Matinding aksyon sa teaser pa lang ang ipinakita ng pelikulang iyun.

Sabi nga ni Javi, yung isang mahabang fight scene niya ay isang buwan daw nilang ni-rehearse at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nagti-training ng Filipino Martial Arts na limang buwan na raw niyang ginagawa.

Gusto raw niya kasi talagang mag-aksyon dahil mga action film talaga ang mga pinapanood niya noon pa.

Paborito niya sina Jet Li, Bruce Lee at Jacky Chan. Pero dito sa pelikula niyang Kid Alpha One, tipong Jason Statham daw ang mga eksena niya.

Pagdating sa local action stars, paborito raw niya si Sen. Lito Lapid.

Kaya kakaririn na niya talaga ang mag-action.

Kahit hindi naman ganun katagal ang exposure ni Javi sa The General’s Daughter, markado naman at magandang experience daw sa kanya dahil magagaling na aktor ang makakasama niya, at napakabait daw ni Angel Locsin sa kanya.

“It was a good experience kasi after si Angel was asking  o okay ka lang ba? Sobrang sweet niya,” nakangiting pahayag ni Javi.

Medyo mabigat nga ang mga eksena niya sa teleseryeng iyun, kaya kabadung-kabado siya.

“Siyempre, kabado talaga…parang na­ging challenge na siyempre nandun ka na eh, kailangang panindigan na. Mukhang happy naman sila sa eksena.

“Si Angel nakahawak sa mukha ko, tapos nagtinginan kami, my God, si Darna nakatingin sa akin,” natatawang kuwento sa amin ng 22-year old newbie.

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with