^

PSN Showbiz

Dennis tikom na ang bibig kay Julia

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si Bela Padilla ang special guest speaker sa ­unang araw ng workshop para sa scriptwriting sa Viva Convention sa World Trade Center noong Sabado, August 3,2019. Si Bela ang isa sa mga sumulat ng kuwento ng Camp Sawi, ang 2016 blockbuster movie ng Viva Films. Ikinuwento ni Bela na matapos gawin ang Camp Sawi, nakipaghiwalay sila nina Yassi Pressman at Andi Eigenmann sa kanilang mga karelasyon. Ang tatlo ang lead actress ng Camp Sawi.

SCENE: Ang Just A Stranger director na si Jason Paul Laxamana ang guest speaker sa Digital & Filmmaking Talks sa last day kahapon ng Viva Convention. 

SEEN: Because You Love Me ang bagong pamagat ng pelikula na ginagawa ni Sarah Geronimo na may old title na Unforgettable. Isang aso ang kapareho ni Sarah sa Because You Love Me sa direksyon ni Jun Lana.

SCENE: Ang Parasite, Angel Has Fallen at Rambo, Last Blood ang mga international movie na ire-release ng Viva International Pictures. Sa August 14 ang playdate ng Parasite.

SEEN: Ayaw na muna ni Dennis Padilla na magsalita tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Julia Barretto sa break up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

SCENE: Dalawang pelikula ni Dennis Padilla ang ipalalabas sa mga sinehan ngayong Agosto at September. Si Dennis ang leading man ni AiAi delas Alas sa And Ai Thank You ng Reality Entertainment na mapapanood sa mga sinehan sa August 14 at isa si Dennis sa mga bida ng Sanggano Sanggago’t Sanggwapo na ipalalabas sa September 4, 2019.

SEEN: Baby boy ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla. Second baby  nina Kylie at Aljur Abre­nica na gulat na gulat nang malaman na lalake uli ang kanilang magiging anak.

SEEN: Tiniyak ni Matteo Guidicelli na tutulong siya sa promo ng Mina-Anud, kahit contract star na siya ng Viva Artists Agency. Ang Regal Entertainment Inc. ang producer ng Mina-Anud na ginawa ni Matteo noong hindi pa ito pumipirma ng exclusive contract sa VAA.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with