^

PSN Showbiz

Singer na sumikat sa ibang bansa hindi na kilala ang dating kaibigang nakakatabi sa pagtulog

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maintriga rin ang buhay ng mga musikero, para rin silang mga artistang may kani-kanyang isyu, lumalabas ang mga kuwento kapag sama-sama silang nag-uumpukan.

Isang gabi ay bumida ang isang pamosong male pesonality sa kanilang pagpipista, hindi lang dito sa atin kilala ang male singer, sa ibang bansa rin.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakakalungkot ang mga kuwento tungkol sa kanya. Siya ang palaging pinag-uusapan ng mga kapwa niya singers na halos gabi-gabi niyang nakakasama nu’ng hindi pa siya sikat.

“Magkano lang ba naman ang kinikita ng mga banda sa gig nila? Baryahan lang ‘yun, ang dami kasi nilang maghahati-hati. Ganu’n ang buhay nu’n ng male singer, nakikitira lang siya sa bahay ng mga kasamahan niya.”

Pero nang makilala nga ang male singer hanggang sa sumikat na rin siya sa ibang bansa ay talagang nagbago ang kanyang ugali. Ibang-iba na siya.

Isang source din sa umpukan ang nagkuwento, “Nagkita sila ng isang dati niyang nakakasama sa mga gig nu’n sa isang gathering. Sabik na sabik siyang nilapitan nu’ng musikero, ‘Pare, hindi ka na maabot! Sikat na sikat ka na!’ Ganu’n katuwa ang singer sa naging kapalaran niya.

“Nalungkot na parang napahiya ‘yung bumati sa kanya dahil sobrang lamig ng sagot ng male singer. Parang wala lang, parang hindi na niya kilala ang nakakatabi pa nga niya sa pagtulog na musikero.

“Hindi na nagpaka-trying hard ‘yung singer, lumayo na lang siya, dahil parang napahiya siya sa naging pagtrato sa kanya ng kaibigan niya.

“Ang nagagawa nga naman ng mga palakpak! Ang nagagawa nga naman ng international fame! Ang nagagawa nga naman ng hindi maayos na pag-handle sa kasikatan!

“Maraming natutuwa sa naging kapalaran niya, pero mas maraming nagtatampo sa kanya, dahil ibang-iba na siya. Parang ayaw na niyang balikan ang napakasimple niyang buhay nu’ng pakanta-kanta pa lang ang banda niya sa mga bar.

“Kung gaano kataas siyang bumirit, e, ganu’n na rin siya kataas ngayon. Sana naman, e, matuto siyang lumingon sa pinagmulan niya. Para meron pa rin siyang balikan kapag hindi na siya matagumpay sa ibang bansa.

“Open arms pa rin siyang tatanggapin ng mga dating kasamahan at kaibigan niyang musikero,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris dobleng-ingat ang kailangan sa gagawing pelikula

May mga nag-aalala sa kalusugan ni Kris Aquino dahil sa pagpasok ng kanilang pelikula ni Derek Ramsay sa Metro Manila Film Festival. Pasado na ang kanilang script, pero isu-shoot pa lang nila ang proyekto, hindi raw kaya magdelikado ang katawan ni Kris?

Dobleng ingat nga naman ang kailangang gawin ng aktres-TV host kapag ginagawa na niya ang pelikula dahil sa kanyang sakit na siya rin naman ang nagdedetalye sa publiko.

Ang kanyang blood pressure na parang spaghetting pataas-pababa, ang kanyang allergies na napakabilis na naglalabasan kapag mainit ang panahon at maalikabok, talagang kailangang mag-ingat ni Kris sa linya ng kanyang trabaho.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting ni Kris ay kaliwa’t kanang pamba-bash na ang kanyang tinatanggap. Napakarami raw namang pelikulang karapat-dapat na maging entry sa MMFF pero bakit ang kay Kris pa?

Sabi ng isang basher niya, “Aysus! Ano ang mapapanood natin sa movie nila ni Derek, ang constipated acting niya? Wala namang ipinagbago ang pag-arte ni Kris, para lang siyang nahihirapang magpupu, ganu’n lang!

“Masaya o malungkot o nakakatakot ang eksenang ginagawa niya, e, isang klase ng pag-arte lang ang ipinakikita niya!” sabi ng basher.

Baka naman makaganda sa sitwasyon ni Kris Aquino ang pagtatrabaho para malibang siya. Mahirap ang walang pinagkakaabalahan. Nakaiinip na ‘yun ay napakarami pa nating nararamdamang kung anu-ano.

Kung may mga namba-bash kay Kris ay marami ring sabik na sabik nang muli siyang mapanood sa pelikula at telebisyon.

Remember, sabi nga ng kanyang mga tagahanga, Kris Aquino is Kris Aquino.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with