^

PSN Showbiz

Nanay ni Kathryn nabuwisit sa bintang na halikan kina Alden at Kathryn

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Kathryn nabuwisit sa bintang na halikan kina Alden at Kathryn
Kathryn

MANILA, Philippines — Sinagot ng mother ni Kathryn Bernardo ang basher na nag-tweet na diumano may kumakalat na balita na kaya ibo-boycott ng AlDub fans at ibang fans nina Daniel Padilla at Kathryn ang pelikula nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye ay dahil maraming kissing scene ang dalawa.

Inakusahan pa ng basher ang mother ni Kathryn na hindi nirespeto ang boyfriend ng anak at pinayagang makipag-kissing scene sa pelikula.

Ang sabi lang naman ni Min Bernardo (nanay ni Kathryn), nag-promote ng Hello, Love, Goodbye at sabi, palapit na ang showing (sa July 31) na at makikilala na ng moviegoers sina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden).

Hindi nakatiis si Min at sinagot ang basher ng “part ka ba ng creative? Malamang HINDE...ang ikinakalat mong kwento ay taliwas sa story... ang pagiging NANAY ko ay huwag mong questionin kase madami kang hindi alam... Sana kung maging magulang ka na, maging isa kang huwaran... then, tsaka mo ako balikan at kausapin.”

Saan ba kasi nakuha ng basher ang tsikang maraming kissing scene sina Kathryn at Alden sa Hello, Love, Goodbye? Para namang walang nabalitang may halikan ang dalawa at magtatapos ang pelikula na walang kissing scene dahil masaya na at apektado na ang moviegoers sa palitan ng lines nina Kathryn at Alden na memoryado na nang nakapanood ng trailer.

May iba pang akusasyon ang viewer na mabuti at hindi na sinagot ni Min. Ang nakakaloka, hindi pala KathNiel fan ang basher, ibang artista ang sinusuportahan niya, kaya palaisipan kung bakit tumatawid siya sa lane ng supporters ni Kathryn.    

One month nang split sa BF Kim isinara muna ang puso

Sa lahat ng bagong break, si Kim Domingo ang maganda, fresh, masaya at wala sa hitsura na nasaktan ang puso. Sa mediacon nga ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, nakakatawa pa si Kim.

Mutual decision nila ng ex-BF na si Mike Acuña na maghiwalay, walang third party at wala silang pinag-awayan. One month na raw silang hiwalay.

Marami ang may crush kay Kim, pero sarado ang puso ng aktres na umibig uli sa ngayon. Sa ngayon, sa Bubble Gang at Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko ang focus niya.

Sa July 22 na magsisimula ang airing ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko  sa direction ni Jorron Monroy. Mapapanood ang Afternoon Prime Monday to Friday pagkatapos ng Eat...Bulaga.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with