^

PSN Showbiz

Rico parang si Andi na rin!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Rico parang si Andi na rin!
Rico Blanco

SEEN: Si Rico Blanco ang male counterpart ni Andi Eigenmann. Nagdesisyon si Rico na manirahan sa isang lugar sa La Union na malapit sa dagat dahil gusto niya na ng simple na pamumuhay. Bukod sa musika, diving ang passion ni Rico na halos tatlong taon nang hindi aktibo sa entertainment industry dahil sa kanyang diving lesson.

SCENE: Muling nagbabalik si Rico sa entertainment industry at kung maganda ang role, handa siya na tumanggap ng mga acting assignment. Ang May Isang Pangarap, ang 2013 drama series ng ABS-CBN ang huli na acting assignment ni Rico. Ipinagkatiwala ni Rico sa Viva Music Publishing Inc. ang catalog ng kanyang mga kanta at composition. Naganap ang contract signing sa pagitan ni Rico at ng VMPI executive na si Boss Vic del Rosario sa Viva boardroom noong Biyernes, July 5, 2019.

SEEN: Kabilang sa mga napag-usapan nina Boss Vic del Rosario at Rico Blanco ang major concert ng alternative rock legend. Excited na ang fans at supporters ni Rico na muli itong mapanood sa concert sa isang malaking venue.

SCENE: Under construction na ang bahay sa La Union na magiging tahanan ni Rico sa 2020. Ikinuwento ni Rico na gusto rin ng kanyang ama na manirahan sa La Union pero huwag lamang sa bahay na may second floor.

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with