^

PSN Showbiz

Actress na dating mahilig sa madadatung na lalaki, nagpaka-cougar sa baguhang actor

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Actress na dating mahilig sa madadatung na lalaki, nagpaka-cougar sa baguhang actor

Wow episode 20 na ang Take It... Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin with Mr. Fu.

As usual ang saya ng episode kahapon. Pinag-usapan nila ang tungkol sa engagement nina Angel / Neil, ang isyu kina Gerald at Julia at iba pa.

Meron din silang blind item, siyempre tungkol sa isang actress na dati raw ay siya ang mahilig sa madadatung na men pero ngayon siya na ang nag-aalok ng ‘sarili’ sa isang aspiring actor. Nag-offer pa raw ito na ipagpo-produce niya ng pelikula ang nasabing baguhang actor.

Hahaha.

Kanya-kanya sila ng hula pero hindi na gaanong sikat si actress though may mga project pa pero pasosyal na.

Anyway, confirmed na tuwing Biyernes na ang first day ng opening ng mga pagpapalabas ng mga pelikula sa sinehan.

Plantsado na matapos ang maraming consultations pero kailangan pa rin nilang mag-usap-usap ng mga theater operators, producers at iba pang taong involve sa pagpapalit ng araw ng first day ng pagpapalabas ng mga sine.

Mismong si Film Development Council of the Philippines Chair and CEO Liza Diño ang nagsabi na wala na itong atrasan nang maging guest namin siya kahapon sa TIPM.

Though, hindi na magbabago ang playdate ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo maging ng Family History nina Michael V. and Dawn Zulueta sa July 24, sinabi ni Chair Liza kahapon na na-advice na sila ahead of time tungkol dito.

In all fairness, active ang viewers ng TIPM, sumasali sila sa usapan lalo na ang mga nasa ibang bansa.

Sa mga hindi nakapanood ng episode kahapon, i-like or i-follow lang ang official Facebook Page ng Pilipino Star Ngayon.

Kilig sa PBB nabawasan sa paglabas ni Gino Roque 

Sayang, ang bilis na-evict sa PBB Otso si Gino Roque.

Anak mayaman si Gino at nagma-manage ng sariling mga negosyo pero nag-try sa PBB.

Suwerte nga actually ang housemate ding si Kiara kung totohanan na in love sa kanya ang binata nina Mr. Gunn and Ms. Cris Roque na owner ng Kamiseta Clothing, Kamiseta Hotel, Kamiseta Skin, Vanilla Cupcakes etc. etc. Yup, hindi lang sila basta millionaire, pero low key ang pamilya.

Kahit mayaman, parang ang bait ni Gino nung nasa loob siya ng Bahay ni Kuya, walang angas at marunong makisama. Parang magalang din.

Makikita mo talaga sa ugali ang totoong mayaman.

Kaya lang sadly, na-evict na nga siya the other night na kasama kami ni tita Ethel Ramos sa mga nalungkot.

Saka may star aura si Gino. Malakas ang dating at simpatikong tumayo.

After PBB, may plano kaya si Gino na ituloy ang pag-aartista?

Ang loveteam nila ni Kiara sa loob ng Bahay ni Kuya pa naman ang nagpapakilig sa mga manonood.

Sinalubong siya ng tatay niyang si Mr. Gunn.

Imbestigasyon sa aksidente ni Manoy Eddie, tapos na!

May resulta na ang internal investigation ng GMA 7 sa aksidenteng naganap sa isa sa haligi ng industriya ng showbiz na si Eddie Garcia noong June 8 habang nasa taping ng ginagawa niyang teleserye na Rosang Agimat sa isang lugar sa Tondo na ikinamatay nito noong June 20 sa Makati Medical Center.

Pero inuna munang bigyan ng kopya ng network ang pamilya ng award winning actor/director bago isapubliko. “GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia.

“The family wishes to be given a copy before we share the report with the public,” ayon sa statement na pinadala ng GMA 7.

Sabik ang publiko na malaman kung ano ang totoong mga pangyayari matapos ngang lumutang ang isang video ng actual na pangyayari sa taping.

Nakita dun na natisod siya sa isang cable wire nang papasok na sa eksena at makikipagbarilan na sana.

Masama ang naging dapa niya at natusok pa raw ng hawak na baril.

Wala rin medics na nakahanda kaya binuhat ito pagkatapos ng aksidente at saka dinala sa Mary Johnston Hospital sa Tondo.

vuukle comment

MANAY CRISTY FERMIN

MANAY LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with