^

PSN Showbiz

Dawn hindi na nae-excite sa offer na teleserye!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dawn hindi na nae-excite sa offer na teleserye!

Mas gusto nang tutukan ang pamilya

Sa July 24 ang showing ng pelikulang Family History na obra ni Michael V. at sa ipinakitang trailer at teaser, hindi mo talaga alam kung ano ang kuwento nito, kung drama ba o comedy bilang mas kilala sa pagpapatawa si direk Bitoy.

Sinadya raw talaga nilang mapaisip ang mga manonood para mapukaw ang curiosity ng lahat at panoorin ito.

Hindi mo kasi alam kung ano ang takbo ng kuwento, kung may mamatay o kung sino ang mamatay sa pangunahing karakter.

 “I’d like to believe na nakilala ko na yung audience ko. May captured market na kumbaga. Na alam ko na ang manonood.

“Nakikita naman sa social media. Meron ka na bang parang basehan kung magiging successful for your audience.

“Dun sa mga tao na hindi ko talaga audience, hopefully sila pa yung ma-capture natin, maidagdag natin,” saad ng Kapuso comedian/writer at direktor.

Hindi naman daw mawawala yung comedy dahil iyun talaga ang forte niya, pero drama raw talaga itong Family History.

“It’s about a relationship na nagkakaroon ng problema, at kung ano nagiging epekto ng isang disease sa relationship,” sabi pa ni Michael V.

Mukhang maganda nga itong Family History para tanggapin ni DawnZulueta bilang leading lady ni Michael V.

Sinasabi na kasi ni Dawn na hindi na ang showbiz ang priority niya sa ngayon kundi ang pamilya niya.

Marami na raw inaalok sa kanya na project ng isang soap o pelikula, pero tinanggihan niya dahil hindi niya gusto ang material.

Mas tinitingnan na raw niya ngayon ang kuwento at kung ano ang role niya, at so far wala raw talagang exciting para sa kanya. Itong Family History lang talaga ang nakapasa na gusto niyang gawin.

“Maraming offer, pero hindi ako nai-excite, hindi ako natsa-challenge,” pakli niya.

Mas mabuting mag-focus na raw siya sa pamilya niya dahil lumalaki na raw ang mga anak nila ni Anton Lagdameo.

“Ang atensyon ko ngayon sa mga bata na rin eh. Because teenager na rin yung anak ko. I figure, maybe there’s a reason din kung bakit nawawala na ngayon ang interes ko sa trabaho because I have also to attend to them.

“Yung boy ko, he’s gonna be turning 14, so nagbibinata na. Marami ng mga tanong. I need to be more present.

“If there’s a nice project naman I might make the time for it. Hindi ko na priority ngayon eh, Family muna talaga,” deretsong pahayag ni Dawn .

Wala na rin kasi siyang kailangang patunayan pa. Kaya puwede na talaga siyang magtrabaho uli kung talagang gustung-gusto niyang gawin ang isang project.

Resulta inaabangan

Marami na ang nag-aabang sa susunod na pahayag ng GMA-7 kaugnay sa aksidenteng nangyari kay Eddie Garcia na naging sanhi nang pagkamatay niya.

May mga nagsasabi na ngang iba na tila kinalimutan na ito ng Kapuso network.

Nakatutok pa rin pala sila rito at ilan sa mga taga-Kapuso na napagtanungan ko, malapit na raw nilang ilabas ang resulta ng imbestigasyon.

May ilalabas silang pahayag kaugnay sa imbestigasyon at naging patas daw sila rito.

Bago lang nila ilabas, kailangan munang makita ng pamilya ni Manoy Eddie kaya iyun na lang daw ang hinihintay nila.

Pag matapos na raw nila itong mabasa, doon na raw nila puwedeng ilabas sa publiko.

vuukle comment

FAMILY HISTORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with