^

PSN Showbiz

Aktres idinaldal ang paglipat sa ibang network, manager kinalimutan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Balak palang iwan ng isang aktres ang manager niya ngayon at lumipat ng ibang manager dahil gusto ng aktres na lumipat ng network. Ang manager kasi ngayon ng aktres, konektado sa network na gusto ring iwan ng aktres para lumipat sa ibang network para raw subukang magtrabaho sa ibang network.

Walang masama sa plano ng aktres na magpalit ng ma­nager na makakatulong sa kanya para makakuha ng projects sa gustong lipatang network. Ang hindi maganda, hindi pa nagpapaalam ang aktres sa manager niya at inunang ikuwento sa mga kaibigan ang plano.

Granted na mag-i-expire na ang managerial contract ng aktres sa kanyang manager, pero kailangan pa rin niyang magpaalam dito bilang respeto at pagtanaw ng utang na loob. Ang manager ng aktres ang tumulong na magkaroon siya ng shows sa network kung saan siya gumawa ng maraming teleserye.

Sigurado namang papayagan ng manager ang aktres na umalis sa poder niya at lumipat sa ibang manager, basta magpaalam siya ng maayos. Kahit nga hindi maayos ang paalam niya, papayagan pa rin siya ng manager magpaalam lang.

Jaclyn ayaw nang mag-nega sa socmed

Balik-Instagram na si Jaclyn Jose at nalaman namin na back to IG siya sa mediacon ng GMA-7’s sexy drama series na The Better Woman. Tinanong kasi ang aktres kung kailan siya babalik sa socmed at sagot nito, “bumalik na ako one month na.”

We checked her IG at totoo nga, she’s back, pero bago na ang IG niya, iniwan na ang controversial IG niya na sabi sa kanya ng mga reporter, marami ang naisulat ‘pag nagpo-post siya ng controversial posts. Natawa sa narinig ang aktres at parang hindi na raw mauulit ‘yun dahil nakabantay ang bunsong anak na si Gwen.

Dati pa raw, tsinitsek ni Gwen ang post niya at ‘pag may nabasang negative post, sinasabihan siyang mag-chill lang siya. Kinukuha nito ang phone niya at siya mismo ang nagde-delete ng nega posts niya. Natuto na raw siyang mag-chill at wish nitong wala nang mag-trigger para siya magalit.

Anyway, balik din sa telebisyon at sa primetime si Jaclyn sa The Better Woman bilang si Erlinda Santos, ina ng kambal na sina Jasmine de Villa at Juliet Santos-de Villa aka Elaine Reyes na parehong ginagampanan ni Andrea Torres.

Sabi ni Jaclyn, parang anak na niya si Andrea dahil apat na teleserye na ang pinagsamahan nila. Sa kanya na raw lumaki si Andrea at alam niya ang kapasidad nito bilang aktres.

Sa July 1, na ang worldwide premiere ng The Better Woman after ng Sahaya at bago ang Love You Two. Mula ito sa direction ni Mark dela Cruz na tiyak pag-uusapan dahil sa tema.

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with