^

PSN Showbiz

Hindi maka-loveteam, Zaijian handa na sa mature roles!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Hindi maka-loveteam, Zaijian handa na sa mature roles!
Zaijian Jaranilla

Pitong taong gulang lamang nang magsimula si Zaijian Jaranilla sa show business.

Nakilala ang aktor bilang ang batang si Santino sa teleseryeng May Bukas Pa sampung taon na ang nakalilipas. Ngayon ay nakahanda na raw si Zajian na tumanggap ng mature roles sa mga proyektong gagawin. “Mas marami nang binibigay sa akin na mature roles. Since teenager ako, binibigyan na ako ng mga love team. Pero hindi naman ‘yung major love team na pa-tweetums. Okay lang sa akin kasi game naman ako sa kahit ano,” nakangiting pahayag ni Zaijian.

Labimpitong taong gulang na ngayon ang aktor at hindi raw nakikita ang sarili na mapapabilang sa isang sikat na love team. “Kasi para sa akin, ang corny ko kasi na tao personally. Kaya hindi ako mahilig sa mga love team talaga. Hindi ako sweet,” natatawang pagtatapat ng binatilyo.

Kahit walang kasintahan ngayon ay aminado naman si Zaijian na naranasan na niyang manligaw ng babae. “Hindi pa naman ako naba-bas­ted. Dini-date ko siya, ‘yung usual. At saka gusto ko ‘yung similar ko na simple lang din na hindi ‘yung maluho na girl. Gusto ko ‘yung gano’n,” paglalahad ng aktor.

Samantala, kapag walang trabaho ay normal na estudyante lamang si Zaijian na ngayon ay Grade 11 na. “Ilang years na rin ako nag-aaral sa Angelicum. Eight or nine years na ako do’n. Kaya ‘yung mga tao do’n parang tropa-tropa vibe na lang din,” pagtatapos niya.

Empoy napapagkuwentuhan ng pinanggalingan ni Coco

Napapanood tuwing gabi ang karakter ni Empoy Marquez bilang isang Police Asset sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Sobrang napahanga raw ang komedyante dahil sa pagiging magaling na aktor at direktor ni Coco. “Working with Coco is sobrang masasabi ko na napakagaling niya bilang actor. Sobrang ga­ling din niya na director. Siya na din kasi nagsusulat ng script. Minsan siya pa ang mag-wardrobe doon,” bungad ni Empoy.

Nasasaksihan ngayon ng aktor kung paano iginugugol ni Coco ang lahat ng panahon upang mapaganda pa lalo ang toprating serye ng Kapamilya network. “Natutuwa ako sa kanya kasi first time ko nakakita ng gano’n na artista, which is hindi naman kami nagkakalayo ng edad, proud ako sa kanya,” giit ng binata.

Ayon pa kay Empoy ay nagkakaroon pa sila ng bonding ni Coco sa set kapag walang kinukunang eksena. “Actually makakaiba kami ng tent, pero minsan may time na doon niya pinapapunta sa tent niya. One time pinapunta niya ako sa tent niya doon niya ako pinag-dinner. Kuwentuhan kami habang pinapanood ang Probinsyano, dinner break. Nagkuwentuhan kami about life, kung saan siya galing,” kuwento ng komedyante.(Reports from JCC)

vuukle comment

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with