^

PSN Showbiz

Shaina, nagpapasalamat sa mga karanasang kasama si Piolo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Shaina, nagpapasalamat sa mga karanasang kasama si Piolo!
Shaina & Piolo

Matagal-tagal nang nauugnay sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual pero ayon sa aktres ay masaya naman ang lagay ng kanyang puso kahit wala siyang karelasyon. “Malaya pa rin naman ang aking puso, importante ‘yon. Laging masaya especially maraming magagandang nangyari sa akin ngayong taon na hindi ko talaga in-expect, pro­mise, kaya nagpapasalamat ako,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Piolo dahil bahagi ang aktor sa mga magagandang bagay na nangyayari sa dalaga. “Marami kaming mga proyektong napagsamahan na hindi namin in-expect na makakarating sa ibang bansa. ‘Yung Season of the Devil (Panahon ng Halimaw), siya rin ‘yung kasama ko roon. Kumbaga ang daming celebration na nasi-share namin. Even itong film na ito The Halt, (Ang Hupa), ni wala kaming eksena together. Sabay naman naming na-experience ‘yung Cannes Film Festival. Siyempre nagpapasalamat ako na nandiyan siya at kasama ko siyang ma-experience ‘yung ganitong mga magagandang bagay.

“And ‘yung tulong niya sa akin pagdating kay Direk Lav (Diaz) kasi parang panibagong mundo. Dina-doubt ko pa ang sarili ko kasi puro stage actors ang kasama ko. P was there to reassure me na, ‘Tama ang ginagawa mo,’” pagbabahagi ng aktres.

Keempee hinihigpitan ang anak sa pagbo-boyfriend

Bilang isa sa mga pinakabatang ama noon ay masayang sinariwa ni Keempee de Leon sa Magandang Buhay ang kanyang mga pinagdaanan. “Humingi ako ng mga advise from my titos kung ano ang mga dapat gawin. And ako naman sinunod ko lang ‘yon, and while my daughter is growing up, nag-grow na lang sa akin basta ‘yung how I take good care of her. And ano ‘yung mga needs niya. Hindi na lang sarili ko ‘to eh. Kumbaga, panibagong buhay na ‘to, buhay ng anak ko ‘to. So I want to dedicate my life to her, to work harder,” nakangiting pahayag ni Keempee.

Ngayon ay 23 gulang na si Sam de Leon na anak ng aktor. Nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management ang dalaga at kasalukuyang nasa Amerika para sa internship. Kahit magkalayo ang mag-ama ay patuloy pa rin namang nasusubaybayan ni Sam si Keempee dahil napapanood ang aktor sa Nang Ngumiti Ang Langit.

“I have TFC (The Filipino Channel) here. So I watch your shows everyday and I’m updated. And know that I am very, very proud of you. You’re also very, very protective which I completely understand, because I’m your only child. So that means no boyfriend until I get thirty (years old),” mensahe ni Sam sa aktor.

“Sammy, thank you. Alam mo naman ‘yung mga pinagdaanan ng daddy mo, alam mo naman ang mga naging problema. As long as nandiyan ka, mga kaibigan, pamilya, lahat gagawin ko for you hangga’t may lakas ako. Ibibigay ko lahat kung anong mga kinakailangan mo. Just pray for me na to have more work. Kasi this is for you, not for me. This is for your future. As long as nandito ako, buhay ako, malakas ako, lahat gagawin ko for you,” emosyonal na sagot naman ni Keempee sa anak.(Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with