^

PSN Showbiz

Angelica ayaw nang maghanap ng lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angelica ayaw nang maghanap ng lalaki
Angelica

Mukhang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng landas ng dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Matatandaang naging magkarelasyon ang dalawa mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Muling nagkamabutihan sina Angelica at Carlo noong isang taon nang gawin ang pelikulang Exes Baggage.

Nagkaroon umanong muli ng espesyal na ugnayan ang dalawa pero kamakailan ay napabalitang may bagong kasintahan na raw si Carlo.

“Wala, hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon. Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam sa nangyayari sa kanya,” makahulugang pahayag ni Angelica.

Handa kayang harapin ng aktres si Carlo kung sakaling lumapit ang binata sa kanya? “Matagal ko nang hinintay ‘yung explanation niya. Sana matagal na niyang ginawa,” giit ng dalaga.

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si Angelica pero aminadong nakikipag-date naman. “Matagal naman na ako nakikipag-date, wala lang tumatagal. Bakit, trial and error ‘yon ‘no? So nag-e-entertain naman ako, matagal na. Parang hindi lang ako interesado. Hindi kasi siya ang priority ng life ko. Pagkatapos na rin ng mga panahon, hindi na rin siya ‘yung end all and be all ng lahat. ‘Yung paggising mo, lalaki kaagad. Hindi ko lang hinahanap. Hindi ko kailangan,” paliwanag ng aktres.

Hindi rin daw nagmamadali si Angelica na muling pumasok sa isang relasyon. “Ayaw ko talaga. Sobrang masarap i-enjoy ‘yung relationship with myself lalo na kapag na-discover mo kung ano talaga ang gusto mo, kung saan ka sasaya. Doon papasok ‘yung hindi mo pala talaga kailangan ng ibang tao para lumigaya ka,” dagdag pa niya.

Loisa at Ronnie, deadma nasa online bashers

Walang problema sa magkasintahan at magkatambal na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kung magkaroon man sila ng ibang kapareha sa mga proyektong ginagawa.

“Kami naman ni Ronnie, hindi pa kami magka-love team eh boyfriend ko na siya. So parang hindi naman ‘yon big deal sa amin,” nakangiting bungad ni Loisa.

“Kasi parang ano ba pinunta namin di ba? Pumasok naman kami sa industriya nang sarili lang namin ang dala-dala namin. Para sa trabaho, trabaho lang kami. Focus kami sa work namin. Kapag nakaipon eh di mas magandang pagsasamahan, mas malalim na pagsasamahan pa,” dagdag naman ni Ronnie.

Bilang magkatambal ay normal na sa dalawa na makaranas nang pamba-bash online mula sa netizens. Para kina Loisa at Ronnie ay hindi na dapat pinapatulan kung ano ang masasamang salita na ibinabato ng bashers sa kanila.

“Dati kasi parang kapag baguhan ka pa lang na artista, siguro masasaktan ka talaga eh. Kasi hindi ka pa sanay sa mga gano’ng binabato sa ‘yo ng mga tao na hindi mo naman kilala. O hindi ka naman kilala para husgahan ka nang gano’n,” paliwanag ni Ronnie.

“Ngayon mas naiintindihan na namin na kilala kami. Wala na kaming magagawa kung anong kilusin namin. Kumbaga kung gusto talaga nilang husgahan kami, gagawin nila ‘yon,” pagtatapos naman ni Loisa. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with